Whew. Katatapos ko lang maligo at naghihintay ng mag-aaya ng laro. Ganito ang buhay pag bakasyon, walang ginagawa at wala ring natutununan. Minsan nga naisip ko wag na lang mag laro eh. Kasi wala naman talaga kaming napapala sa pagdodota...! TAMA! Simula ngayon titigilan ko na mag dota...!
After 15 mins....naglaro ng dota si Maki. Ganun talaga ang tao. parang panahon. Mabilis magbago.
Badtrip ang panahon ngayon. Iba iba. Ano ba ang larawan ng Summer para sa ating mga pilipino? Maaraw, masayang gumimik kasama ang barkada, masarap mag tsinelas kasi walang putik na sisira ng araw ntn at ciempre anjan ang init ng umaga na totoo namang gigising sayo ng bonggang bongga. Pero badtrip ngayon, bakit umuulan?! Hindi ata alam ng summer na summer ngayon. O nakalimutan ng ulan na sa June pa nakaschedule ung flight niya papuntang Pilipinas.
Bakit nga ba ako badtrip na umuulan ulan (on the contrary....NAPAKALAKAS NA MGA PAG-ULAN) ngayong summer? Nun kasing isang araw, pauwi ako sa amin galing sa fairview. Dumaan na ang FX sa Araneta naisip ko "Pede na akong bumaba dito", pero hindi..! Mas pinanindiganan ko yung sinabi ko sa driver na sa Quiapo ako bababa. Bakit nga ba.. hmm.. una ayoko pa talagang umuwi, pangalawa feel kong pumunta ng quiapo, at pangatlo, pagbaba ng quiapo sakay na kagad ako ng isang jeep. Isa na lang, kesa sa Araneta na dalawa pa (ayos din ang logic ko noh?), Eh di hindi ako bumamaba. Pagkalipas lamang ng ilang sandali, biglang nagalit ang langit, ulan...malakas..patay..nagka-amnesia na naman si summer.
(Ang Tamang Summer)
(Ang Maling Summer)
Pagkatapos ng ilang liko at pasikot sikot na maneobra ni manong driver, nakalabas kami sa traffic at bumulaga sa aming mga pasahero ang morayta. Sapilitan kaming pinababa ni manong driver at binigyan ng kanikaniyang pamasahe (Thnx dad.!), pero in a way. ok na kako ito. Makakauwi na ako, mahina na ang ulan. Papalakad ako pabalik ng recto ng bumulaga sa akin ang sunod sunod na baha.. baha sa unang kanto, baha sa pangalawang kanto..baha lahat hanggang sa kanto ng FEU. dun lang ata safe. Walang ibang paraan kung hindi pag bigyan ang mga extortionists sa kanilang mga kagustuhan
eto yung listahan ng lugi ko
- Tawid sa unang baha via pinagpatong patong na bato - 5 pesos?! (amp! pinulot lang nila ung mga bato na un eh!)
- Tawid sa pangalawang baha via mga upuan na pinagdugtong dugtong - 5 pesos ulet! (Tae... wala akong barya..!)
-Tawid sa pangatlong baha via sakay ng sidecar - 10 pesos!? (sobra na to ah. amp.)
bale para makatawid lang sa mga baha eh gumastos ako ng 20 pesos. eh kung bumaba nlng ako sa Araneta nung una pa. tuyong tuyo sana akong nagpapahinga sa bahay,
Iba inilalabas ng baha at ulan sa tao. Kahit anong natural calamities o anu pa naman. Gagawin ng taong negosyo yun. Lahat para sa pera..Bulok na sistema.
Badtrip talaga mga mapagsamantala. Dapat yung mga katulad nila eh kasama rin sa listahan ng mga modern day criminals gaya ng mga holdaper, kidnaper at yung mga drivers na sobra ang singil sa jeep. kaya ako..? hindi ako nagbibigay sa mga namamalimos eh. hindi naman sa maramot ako. pag pusa nga binibigyan ko ng pagkain eh (kasabay nung wss...wsss..wsss sounds). pero na naisip ko lang, tao mga to. nakakaintindi, nakakapagsalita, nakakaisip..kaya na nilang pakainin mga sarili nila. at isa pa, may narinig ako sa isang sociologist na pag binigyan mo ang mga ito eh "you are doing them more harm than help". kasi nga naman, (lalo na sa mga bata) pag nakatangap ng kaunting barya, hindi masasatisfy yun, babalik ung kinabukasan at sa susunod pang bukas. hanggang dun na siya mabuhay sa kalsada kasama yung ibang bata na paglaki ay magsisipag-asawa sa kapwa nila street people at magpaparami. at pag nagipit dahil walang makain, magiging holdaper at papasok sa bagong cycle ng kahirapan (whew). Ang masama pa nun eh, kapag binigyan mo..hindi garantisadong sa pagkain niya ilalaan yun. maaring sa alak, sa ipinagbabawal na gamot (rugby?) o ipupusta sa bingguhan sa riles.
Pero eto ah. aaminin ko na. isa sa mga rason kaya hindi ako nagbibigay LALO na sa mga street children eh kasi namura na ako ng todo todo ng isa sa kanila. oo.. maliit na bata, nagpapaawa, NAGMUMURA ng ubod ng lutong. Daig pa bagong lutong chicharon. Ano nga ba ang nanyari? Pauwi ako galing school..masaya akong nageenjoy sa mga tanawin. At kung madalas kayong mag jeep alam nio na may pwesto ang mga 'punas sapatos/paa/tsinalas boys' sa may 5th avenue, eh di pumasok si bata. raraket. Ayos daming nagbigay, yung katabi ko 20 pesos yung inabot, matandang babae, teacher ata base sa uniporme. eh wala akong barya nun, naisip ko na lang mangaral...sabi ko "Baka sa rugby mo lang gastusin yan ah"..concerned 'kuya' ung tone ko. wala akong gustong palabasin, pero yung bata parang guilting politiko...NAGAWALA! Pinagmumura ako ng 'P^#$ang inasal!, hindi ako nagrurugby u!o!!" dirediretso yung hanggang nakatawid ung jeep namin ng 5th ave, tameme ako. panalo yung bata. pero bumulong yung katabi kong nagbigay ng bente "Dapat pala hindi ko binigyan" ayun, pareho kaming natuto.
Sa lahat naman siguro ng dumadaan sa blumentritt eh kilala niyo si 'Boy Paawa'. Siya yung mukhang tatay na nagbabata bataaan sa blumentritt. May franchise din siya ng 'Punas Boys Corporation' pero iba style nia. Papasok sa jeep, titingin tingin sa mga pasahero sabay banat ng "Mam, Ser, Pahingi naman po ng kaunting barya...kesa naman po maging snatcher". O db, scammer. Sabi sa aking ng kaibigan kong pulis, may time daw na nang-isnatch to. pagtpos na pgtpos nung speech nia. wala cgrong nagbigay ng barya, kaya nagtransform...naging snatcher.
At sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga Badjao badjaoan sa kahabaan ng McArthur Highway. sa mga pumapasok sa Fatima, DLSAU, PLV at iba pang shools paglagpas ng victoneta ay na encounter na ang mga ito. Sila yung partner partner ang lakad, may sistema talaga, yung isa mamimigay ng sobre 'Mga badjao (minsan ifugao eh..depende ata sa trip nilang ilagay na ethnic tribe)' yung isa magsisimula magtatambol ng 'Ethnicky chant' sa kanyang home made drums gawa sa milk cans at goma. tapos yung namigay ng sobre sasayaw ng ethnicky badjao/ifugao/whatever dance minsan kumakanta pa yung nagddrums. tapos ang sistema, ilalagay mo yung pera sa sobre. Bakit hindi ako naniniwalang members sila ng ethnic tribe? Pormang hip hop ba naman e. tapos yung iba nagtatagalog rap na..naghaharlem pa!
Pero hindi lang natatapos sa mga 'punas boys' ang mga dapat makabilang sa modern day criminals. Kasama din dapat dito yung mga barkers..iniisip ko kasi, wala naman talagang ginagawa tong mga to eh. ni hindi nga sila tumatahol. Pero kumikita sila ng 50 centavos hanggang piso kada isang pasaherong sasakay, ang sakin lang...sasakay naman yung mga pasahero kahit di mo kahulan eh. anong silbi mo? sabi nga ng isang sociologist eh 'pulubi with style' lang ang mga ito.
Maniniwala ba kayo na may mas worse pa? oo.. meron. Madali akong maiintindihan ng mga taong bumababa sa Abad Santos Station ng LRT. Sa mga bumababa dun..nagkakaintindihan na tayo, sa mga hindi pa. try nio minsan..pero ihanda niyo sarili niyo. Dahil pagbaba niyo (minsan nga nsa hagdan plng eh) may sasalubong sayo na isang katerbang tricycle driver, mangungulet at mananakot (oo , mananakot..prang sasakalin ka nila pag di ka sumakay e) para sumakay ka sa kanilang tricycle. Try nio minsan bumaba...pero do this at your own risk.
Nung bata ako sabi ko sana maging dagat yung harap ng bahay namin. dati kasi mahilig ako sa baha...hinde sa dagat pala..hindi ko naman alam nun na hindi ko makikita yung iba't ibang marine creatures sa ilalim ng baha e. Pero simula nung napalayo ang school ko sa bahay (grade 5 nagsimula un) nagkaron na ako ng hatred dahil sa 'Wet Socks Syndrome' kung saan ang mga taong nababasa ang medyas sa loob ng sapatos ay nagiging iritable at mahirap kausapin sa loob ng 24 hours. lagi ako nagaganito nung highschool ako. Alam niyo na ngayon kung bakit willing ako gumasta ng 20 pesos para lang di mabasa ang sapatos ko.
Before ako tuluyang sumakay LRT pauwi bumili ako ng masarap ng siopao sa ministop (sarao ng asado dito). at kumain habang naglalakad. Mahaba ang checking ng bag sa LRT, at pinagmasdan ko ang nasa tapat ko. Pinagtatatapon niya ang mga pinagkainan niya sa kalsada, tpos putak pa siya ng putak sa kasama niya kung bakt nagkakabaha. di niya ba alam na isa siya sa dahilan...? Hirap sa ating mga tao eh. Pag may pagkakataon na gumawa para kumita ng pera, handa tayong mamulot ng malaking bato, magpanggap na badjao at magsisigaw pra may sumakay sa PUJs. Pero pag kalikasan na, wala tayong effort. May human rights at animals rights db.. kung meron lang Earth rights, malamang kulong na tayo lahat, pati yung judge.
Gumising sana ang mga tao. Tikman ang lasa ng tubig sa maduming ilog, singhutin ang mausok na hangin at humiga sa tinambakan ng basurang lupa. Para marealize mo kung anong ginagawa mo sa lupa. Hindi mo ba naisip na kung hindi mo ginawa ang mga bagay na ginawa mo, wala sanang dumi,walang may sakit, walang baha, walang magsasamantala (yung mga binanggit ko kanina) at nakauwi sana ako ng maaga nang hindi nababas yung medyas ko! amf...,