Sunday, June 7, 2009

Pagdilat ko... Bakit ikaw?

Malalim lalim na ang gabi. Di pa rin ako makatulog. Lakas ng kape...Lakas ng Cobra..Pag meron ka nito wala kang tulog (pun intended).. Bukas trabaho na naman. Bukas maraming gagawin. Bukas maraming ipapaliwanag...Sana nawa'y wag akong mamura ni Mam Gina.


Halos isang buwan nang ganito. Mahirap, nakakapagod..ok nrn. May pera. Tuwing umaga ay ingay ng mga macaw ang umuulirat sa akin. Amoy ng bagong power spray na mga dumi ng ibon at bagong halong seedmix at special salad ang tumatambal sa aking mga ilong. Ilang beses ko rin na tinanong ang sarili kung bakit ba ako nandito.. Nung nakita ko na yung mga ibon. Nakuha ko na kagad ung sagot ko.


Hindi ko matatawag na mabait ang aking mga sinusunod. Minsan irrational at kakaiba ang instructions..pero kailangang sundin. Minsan unfair at unreasonable ang pagpapagalit, pero kailangang lunukin. Minsan sobra na ang pinuputak na salita pero para kang manok na tuka pa rin ng tuka sa lupang hindi binabahayan ng bulate.


Ito ang buhay ko sa BII...

Wala na si Marvin at Razel, medyo matahimik na sa opisina. Wala nang makulet na bisaya, wala nang timid na tagalog. Wala nang mangaagaw ng ulam, at wala na yung nagbabaon ng corned beef. Natira sa akin si Ronel..Cum Laude (?)...hirap turuan, hirap pasunurin. Maraming tanong na nonsense. May mga nakakaligtaang may sense. In other words, isang taong hindi kailanman feasible na ipartner sa akin. Kasi kahit na di ako organized, organized ako mag isip..


Pero sabi nga ni Boss, maliit ang kaligayahan ko HA. Masaya na ako sa tres HA. Masaya na ako sa average HA. Walang lugar sa akin ang pag asensyo HA. Kumbaga sa baso eh,, maliit ang baso ko HA, maliit ang kapasidad. Magshoshortcut daw ako, dun daw ako sa madali, at hindi sa tama HA. POT&ngIn@!


Darating nga rin ang ligaya. Babalik din ang masasayang araw, aalis din ang kamoteng unos.

Nagset ako ng araw para limutin muna ang trabaho. Isang araw kasama sana ang espesyal na tao sa buhay ko. Pero hindi pala ako espesyal sa kanya. Balewala ang efforts ko. Kaya ayun, bandang huli, nagkabadtripan lang. Nagkainisan. Nagkaiwanan.


Magulo isip ko ngayon. Siguro kaya hindi ako lumaki, kasi iwan ako sa past. Parang umaandar ang buong mundo, pero ako ipit pa rin sa isang time line na hindi ako makaalpas. Kaya naman nag pray ako...pagdilat ko..sa dami dami ng taong pwedeng makita si MCE [hulaan nio!] ang nakita ko. Hindi ko malaman kung siya ba ang sagot kasi hindi kami 'ok' ngaun. pero bahala na, it happens..



Panahon na naman ba ng pag ibig? naririnig ko lagi ang kanta na yun pag naalala kita. Yung mga memories natin, kahit maikli..parang kahapon lang nanyari, napaka vivid pa rin sa memory ko. At ikaw pa rin ang hinahanap ng utak ko pagdating sa intellegent conversations..napaka scientific mo kasing tao.. kung magkakausap lang tayo ulit ng maayos..makikita mo ang pinagbago ko.. iniisip ko rin ang pinag-bago mo.. hindi kasi ikaw yung tipong namumulot ulit ng itinapon nang papel...ikaw yung tipong naghahanap ng bagong susulatan. pero kung magbago isip mo...pulutin mo ulit ako. marami pang espasyo tong scratch paper na ito para pag sulatan ng magagandang alala.


nakita ko yung blog mo. Cool..kaso hirap basahin ng fonts (dont take this hard if your reading this...haha).

Kailangan na talagang magpa antok. Bukas, bahagi na ulit ako ng bulok na sistema, Stay in, Nest inspection, Egg pull out at ciempre punching bag ng mga boss.

"Magiging maayos din ang lahat, mawawala din ang kamoteng unos"

No comments: