Tuesday, July 21, 2009
Tsapter 3 : First day Fever
Ang first day ko ay gaya ng lahat ng mga first days. Maliban lang sa isang tiny exception, hindi na ako papasok sa school ngayon. Trabaho na ang pupuntahan ni Maki.
Nung Kinder ako, first day pa lang, hindi ako yung tipikal na bata na nagiiyak para iuwi ng magulang o mananahimik sa isang tabi habang humuhikbi ng luha dahil wala na si mama at papa. Ako yung tipong bibbo kagad. Sali kagad sa mga laro, at uhaw sa pagkatuto. Isang beses lang ako umiyak nung kinder. Nung hindi ako nasundo ni Tatay (na lolo ko naman talaga, tatay lang ang tawag namin) at nakalimutan niyang banggitin sa buong mag anak. 2 oras ata akong naghihintay nun, ininda ko ang pangaasar nung mga panghapon at gutom dala ng overdose ng Yakult na nun time na un, un nlng ung tinda (eh gutom na ako, pinagtsagaan ko na). Nung dumating na sa wakas yung lolo ko, saka ko na inilabas yung natatagong tubig sa mga mata ko.
Nung Elementary, hindi rin ako tameme. Section 1 e. Late enrolee, umuulan nun, wala pa akong eraser. Si mama tumakbo sa tindahan, pagdating sa klase binigay yung orange-shaped (na orange scented din) na pambura ko. natouch ako sobra kasi effort na effort yung nanay ko. Marami kagad akong kaibigan nung first day, 3 si Martin, si Blessica, at si Hezekiah.
Nung na-accelerate ako (nagskip ng grade 4, diretso grade 5), dahil bago sa eskwelahan, mejo takot ako nung unang araw. Pero di napigilan ang sarili. Nakipag kaibigan din. Ang pinakauna kong kaibigan? Si John David, na ayon sa sources ko eh...bakla na raw ngayon.
Nung Highschool, first day pa lang may tropa na kagad. Di ako yung tipikal na Masci-nerd. Makulit ako at magulo. Di gaya ng mga kaklase ko na sobrang hesitant. Unang kaibigan - Jerome Bautista, hanggang 4th year tropa ko to.
Nung college naman, ala din. Walang kaba, walang luha, sanay na eh. Naisip ko nga na nung kinder pa lang ay nagagawa ko nang makipagkaibigan sa unang araw, yun na siguro yung training ko. Yung mga mahiyain makipag kilala, sila yung tipong umiyak at nagwala at nagmakaawa sa magulang na iuwi na sila nung kinder pa lang sila. Si Darius ang una kong tropa. Fuckberks.
Nung pangalawang college ko. Mejo hesitant na. Hindi first day ng mga kaklase ko. Buti nlng andun si Pame, at nakilala ko ang katulad ko ring 2nd courser na si Catelyn (na nung panahon na yung ang crush na crush ko talaga, ang cool eh!)
Pero iba tong araw na to. Tahimik at pigil ang mga galaw ko. Katabi ko si Melvin na kung ano anong pinagkukuwento sa driver, hindi ko pinapansin. Di matanggal skn yung feeling. Nahihilo at parang binabaligtad yung sikmura ko.
Pagdating sa farm. Matagal kaming pinaghintay sa entrance, pinapasok kami ng taong toothpick na si Froilan. Kala ko nung una di ko makakasundo mga tao dito. Masyado sila maingat gumalaw. Pinapanood kami ng video about sa god-like farm nila at ayun, right on cue dumating ang mga bossing. si Sir Boyet at MRDJ na akala namin nung una eh lalake.
Inorient kami ni Sir boyet. Tinanong ano mga natapos namin, kumana kagad si Melvin ng mga 'achievements' nia. Ako tahimik lang unless asked. Bumanat ngaun si sir Boyet 'Cge nga! kung Bio ka, ano yung mitosis?'..sa isip isip ko. Bio graduate ako, hindi bata, kaya sumagot ako ng simpleng sagot habang si Melvin ay pinupukpok ang maliit na utak para may maikatas na sagot. 'Somatic Cell division po ang pinakasimpleng meaning'. Ngumiti lang si Sir Boyet skn. Si melvin? 'oo nga pala!'
Tinour kami sa buong farm. Kung ano anong itinanong, tinitignan kung nagiisip kami. Si melvin ang daming sinasabi, lahat nonsense. Di ko alam kung matatawa ako oh.. ayun. Pagbalik namin sa opisina, mam gina portion naman. tinalamsikan kami ng mabahong laway at tiniis ang pagtitig sa ubod ng taba niyang katawan, at hindi pa natapos dun yun, ginawa rin kaming manok. inusukan hanggang mahilo. Nung pinagtatanong na kami, as usual binenta ni Melvin ang sarili niya, habang ako'y tahimik na nakikinig.
Unang assignment? Mag aral, aral ng aral. Hanggang mamatay. Nahihilo na talaga ako. Nasusuka na di mo malaman, ubod ng sama ng lasa ng pagkain na tinda sa kantina. Walang maayos na malamig na tubig, masungit at iwas ang mga tao sa mga baguhan. Pag si Melvin naman ang kakausapin, masusuka ka rin sa mga pinagsasabi niya.
Nagmakaawa ako sa orasan na bilisan ang pag-galaw ng dials niya. Bumagal lalo. Parang limang araw ng kalbaryo ang unang araw ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Sir Boyet nung una kaming nagkita 'First Job mo to,? naku, ang hirap niyan. Nung una kong trabaho gusto ko na kagad mag quit'. Pero dala ng tigas ng ulo at gustong mapatunayan, tiniis ko.
Paguwi, nagsuka ako at bumagsak sa kama. Nilalagnat ako. Saka ko na kkwnto sa mga tao sa bahay ang nangyayari, pag di ako ganito kahilo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment