Friday, May 8, 2009
Bitter Gourdon
Kailan mo ba nasasabi na worth it ang bagay na ipinaglalaban mo? Pag ilang beses ka na nitong sinaktan o nilalaglag habang nakalutang sa sa blissful feeling nararamdaman mo? O kapag tuluyan na niyang sinabi na sumuko ka na't iwan ang bagay na iyon sapagkat wala kang pag-asa sa kanya, pano pag hindi niya sabihin iyon? Parang pinatatagal lang ang pagdurusa mo at harap harap likod kang niloloko at pinagmumukhang tanga? Kelan ka susuko at haharapin ang mapait at bahang kalsada ng pagkabigo.
Pano kung hindi bagay...Pano kung tao?
"If you can't find a happy ending, search for a new beginning"
Wew! Tagal ko rin di nakapagpost ng mejo may sense (actually non-sense din tong post na to...kelan ba ako nagpost ng may sense? hahaHA) Puro kalokohan. Tanggap ako sa trabaho. Wew..isa na ako sa Inventory Auditor ng Birds International Inc. Isang kompanya na nagpaparami ng ibon at binebenta ito sa naglalakihang halaga ng pera..SWEET! pero di ganun kalaki ang sweldo ko. kaya walang magpapalibre jan. Utot niyo.
Kaninang pauwi kami ng kasama kong schoolmate sa PLM na natanggap sa mas astig na trabaho (Avian Pediatrician, kaso stay in..so..not a chance para sa akin). Napagusapan namin pagtapos kumain sa Taco bell ang ukol sa mga libro. Kaya sumilip kami sa Power books, at doon ko napansin ang mga Parker Pens na bago. May mga astiging designs na ngayon, di gaya dati nung high school ako.
Noong high school astig ka pag meron kang Parker Pen, kasi ibig sabihin eh kayang mabuhay sayo ang ballpen ng higit sa anim na oras. Kasi ako, isang period pa lang ang tinatagal sa akin ng ballpen...nawawala na. Kung bibilangin ko yung mga nawala kong ballpen at lapis mula elemtary hanggang highschool at kkwentahin yung gastos...abot siguro daang libo (OA naman kung milyon).
Pero naisip ko. Ballpen lang yun, mabilis makuha, mabilis mawala. Kaya hindi natin napapansin ang kahalagahan nito. Pano kung nanalo ka bigla sa isang raffle ng 100010100101010101231231313131231243195719571 pesos at kinailangan ng pirma mo. Tapos bawal manghiram ng ballpen? Pano kung may contrata ang langit na valid lamang sa isang minuto, kung hindi diretso ka ng impyerno, makakahanap kb ng ballpen sa loob ng isang minuto...?
Pano kung tao na iyon? At hindi na ang pipitsuging ballpen? Tao na hindi nabibili, tao na hindi dapat madaling iwala.
Ilang araw, linggo, buwan o taon ba ang kailangang bilangin para masabing kilala mo na ang isang tao. Isang panahon din ba ang bibilangin para masabing sapat na ang paghihintay at kailangan nang sumuko?
Bakit hindi na lang iwanan ang nakaraan, sayangin ang pinagsamahan at harapin ang katotohanan na hindi lang ang oras na inilaan ang magiging paraan para magkatuluyan ang taong hindi sigurado kung nagmamahalan.
10 months to go..Sana matiis pa kita...Nakakirita ka eh.
Labels:
ballpen,
Bitter gourd,
bitter melon,
hatred,
love,
moving on,
parker
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Ah, love post pala ito.. Sa badang huli ko lang napagtanto.lolz
Natamaan ako sa sinabi mo, marami na rin akong nawalang ballpen, at mas madalas pa eh yung mamahaling ballpen na bigay lang naman sakin.. kung sa tao, malamang mabibilang ko pa naman..
Wala naman akong kakilalang ibang Dylan maliban kay Dylan na pics mostly ang laman ng blog.. lalong wala sa wordpress. My name goes with "dila" Dylan(g) Dimaubusan... sana na-gets mo, haha!
Kape tayo, malakas ang ulan.
Cheers!
Post a Comment