Maraming kwento sa mundo. Bawat tao dito, may tinatago, hinahayag at kinukwentong kwento. Kwento ng buhay, kamatayan, pag-ibig, o kung ano mang ideya ang pumasok sa ating mga isipan. Pag-iisip ukol sa pag aaral, pamilya o sa trabaho.
Ang kwentong ito ay nagsimula sa pinakasimula pa, sa simulain ng mga simula noong di pa nasisimula yung simula ng sinimulang kwnto. Sa manila zoo.
Magkakasama noon ang mga miyembro ng PSWRC. Masaya.. Andun si Cate, at yung mga 3rd year na hindi ko makabisado yung mga pangalan...basta ang naalala ko andun yung kamukha ni Ervin.
Si Ervin ay isa sa mga kaibigan ko sa DLSAU. Description?? Mukhang mabait naman. Malaking lalaki na mahaba ang buhok at buhaghag, may mga matang nanlilisik na tila baga'y sa mga taong holdaper o mamamatay tao. Merong nakakatakot na mga bisig na kayang bumali ng buto ng bata sa loob lamang ng ilang segundo. Ayun.. Mabait nga. Mahilig nga lang mamitik ng gamit ng may gamit gaya ng cellphones, pera, alahas, 'FIRE EXIT' signs at iba pa.. Minsan ngang dumaan kami sa likod ng grand central eh...pinapapili niya ako ng bagong bag sa di ko malaman na dahilan. Nung minsang nag 'shopping' siya sa national bookstore ay parang random items (note book, isa pang maliit ng notebook, iba't ibang brand ng ballpen, sticky notes) lang ang nabili niya kasama ng librong 'Breaking dawn', sabi niya binayaran niya.,pero ewan ko lang ah.. May mga kung ano anong mga bagay na nakalagay sa bag niya..meron pa ngang buhok ng tao sa garapon...
Ngayon, tuloy ang kwento. Kasama namin nung araw na yun ang bagong member namin na hindi naman talaga bago na si Jasmin Meren na nung pagkakataong iyon ay kakaresign lang sa kanyang pinagtatrabahuang call center. Pareho kami ng problema, pareho na kaming bum. Mejo wala ako sa mood mag aral this sem, at sa hindi kasorpresorpresang pangyayari 'ok' lang sa nanay ko. (bawas gastos daw). Naisip kong magtrabaho, at ayun..Umiilaw sa Jobstreet.com na parang bulaang propeta. Birds International.
Hindi ako nag atubili. Niresearch ko ang ukol sa kompanya. Nagtanong tanong sa mga kakilala kong Bird Enthusiasts ukol dito. Pero wala silang ideya.
Kaya inaya ko si Meren may apply. Di ko namalayan na yun na ang simula ng pagpasok ko sa madilim na mundo ng BII...dum dum dum (background music)..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment