Sabi nila sa akin usually sa third day mo malalaman kung 'fit' ka talaga sa trabaho. Kahit saang trabaho ka magpunta, yung first 3 months ay petiks muna. puro training ika nga, pero binabayaran ka. Iba ang kumpanyang napasukan ko...sinusulit nila ang paid traning period.
As usual nagsimula ang araw sa pakikipag unahan sa akin ni Melvin sa pagpasok. Desidido talaga siyang makuha ang good spot ng mga bossing. Ayaw kong tawaging gusto niyang sumipsip...pero uh.. yun na nga yung ginagawa niya.
Ito ang araw kung saan gusto ni Sir Boyet na pumasok kami ng ubod ng aga. Walang pagtatalong kailangan ang ganitong gising...pero ala lang. Libre eh.. Pero siyempre nung time na yun..gusto ko ring magpasikat. Kaso BADTRIP! Pagdating ko sa terminal ng jeep ng 5th avenue to Araneta...wala pang jeep. Takte.. Bakit kasi 4:00 am ako gumising eh 5:30 pa naman kami pinapapunta (sarcasm intended).
Pagdating ko sa Farm. Ayun. Nagkamot ng noo si 'Guard' (yung sikyo, pero guard lang naman tawag namin sa kanila. lahat sila) at minarkahan ang time sheet ko ng 5:31 ata. so late..? hahaha
Nung nalaman ni Sir Boyet na huli kami dumating...Ayun.. INSUBORDINATION daw. Wee.. Pati yung mga regular na auditors nadamay sa kalokohan namin, si Melvin lang ang nakakuha ng 5:30 earlier. Ayos..diyos si melvin nung araw na yun. Sa kanya ang seat of power..hanggang lunch nga lang ata umabot yun.
Isa sa maganda sa araw na ito ay hindi dadating si Mam Gina. Ayos. Bingo. Masaya ang buong opisina pag wala siya, pero mas masaya pag wala silang mag asawa.
Solo mission ang araw na ito. Gusto ng management na makuha ang inventories ng building aviaries. Ayos. Malalayo ako kay Melvin ng buong araw. Gumaganda ang araw ko ngayon.
Nung natapos namin guess what.. di ba sabi ko nga hanggang lunch lang ang pasko ni Melvin? napagalitan na naman siya. Kahit ata anong gamitin mong pabango kung talagang mabaho ka eh...walang mangyayari sayong maayos.
Sunday, September 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment