Sunday, June 28, 2009

Tsapter 1 : Even Before the first day

Malamig ang umaga. Mainit ang tubig. Sigurado ako maya maya lang mainit na ang environment, ang buong paligid. Dahil lang ba sa takteng climate change o summer lang talaga ngayon? Oo. Summer ngayon.


Lahat ng estudyante nagpapahinga. Last weeks of summer na. Tapos na summer classes. Masaya na lahat. Gimik, ales, swimming, inom..lahat ngayon nanyayari. Maliban lang sa mga nag aaral sa MAPUA (na ngayon ay Malayan University na...hmmm).

Bakit maaga ako gumising ngayon? Hindi dahil sa dun ako sa nabanggit na unibersidad nag aaral. Biktima ako ng PMA. Ang dreaded statements ng mga magulang na kinapos ng pera. "Pahinga muna anak".



Bakit nga ba ako PMA. Kung tutuusin kaya naman. Mejo mahina nga lang ang tubigan (Tubigan ang negosyo ng pamilya. Mas kilala sa tawag na Forest Hills). Kung pipilitin kaya naman. Kaso kagagaling lang ulit ospital ng tatay ko. Kung pipigain kaya naman. Nangangantsaw na panganay namin. Kung kukutkutin pwede naman. Kaso ayoko nang mahirapan masyado ang nanay ko.

Kaya nag apply ako sa isang kompanya. BS Biology, BS Agriculture, BS Forestry or D.V.M. (Doctor of Veterinary Medicine) ang hanap. Ayos. Pasok ako sa BS Bio...mejo pasok na rin sa DVM. Mejo lang.

Bakit nga ba BS Bio? Ewan ko ba. Nung grade 5 kami, accelerated class ako. Isa sa mga mapapalad at "matatalino" na maaring mag skip ng grade 4. Laki ng nawala sa akin. Di ko na experience ang grade 4...kulang ako ng dikit dikit units at print sulat units. Pero ayos lang yun, bata pa ako..alam ko nang pang Doctor's Orders ang sulat ko. Ang pinaka pinagsisisihan ko sa pag iiskip ng grade 4? Yung grade 4 pad.. Ang cool kaya ng itsura nun. Walang katulad ang putol. Unique. Sayang di ko na experience.

Nung panahon ng grade 5 ko. Pinagawa kami sa home room ng isang maliit na proyekto. Pinagdala kami ng mga Cut outs ng aming mga mukha. Ulo lang. Mejo freaky, pero sumunod naman ako, may mga kaklase nga lang akong hindi. Imbis na ulo nila ang dala eh, ulo ni Voltes 5, Maskman (Red o Black) at meron pa akong nakitang may dala ng ulo ni Shaider. Napagalitan sila. Pero gumawa ng paraan si Mam Acosta. Kinuha na lang yung picture nila sa class char.

At kung tatanungin mo kung para san ba ang mga ulo na ito..? Ang proyekto ay may kaugnayan sa tanong na marami na sa atin ang nakarinig. "Anong gusto mo paglaki mo". Pinapaguhit sa amin ang gusto naming gawin, ilalagay ang ulo sa larawan, at siyempre ialalagay sa class bulletin board para maipakita sa lahat ang mga panget naming guhit at mga kung ano anong mukha. Hinayang na hinayang yung mga kaklase ko na nakumpiska yung shaider at maskman. Yun daw kasi pangarap nila paglaki.


Habang iginuguhit ng mga gustong mag "BS Pilot" ang mga eroplano nila na sa ibabaw sila nakasakay, at dinodrowing ng mga gustong mag "Model Course" ang rampa nila na parang letter 'T' na malaki at kinukulayan ang mga isda at gulay ng mga gustong maging tindero at tindera sa palengke. Kami ni Silvino (di ko malilimutan tong ungas na to, sinuntok ko to nung tumira ng diagonal sa Scrabble eh..dumbshit. PERO AKO ANG UMIYAK), ang dinodrawing, isang laboratoryo. May hayop, may halaman, at pilit na drawing ng double helix para sa 'DMA' namin, at siyempre hindi mawawala ang Microscope at Petri Plates sa drawing (na iilan din sa mga pambato ko spelling gawa ng kakapanood ng Discovery Channel). Oo...noon pa man.. BS Biology na ang nakasulat sa drawing na yun.

Bakit nga ba. Kakanood ng Discovery Channel? Animal Planet? Nickolodeon at Cartoon Network?. Iba talaga fascination ko sa buhay noon pa man. Weirdo nga raw ako nung bata...hanggang ngayon din naman eh.

Nung highschool, na inlove ako sa genetics.. Naimpluwensyahan ukol sa medisina ng hayop. Pero ang talagang nagtulak sa akin? Ang pagkamatay ng tatlong pinaka mamahal kong alaga. Si 'Aso' ang Indian Ringneck ko (Recently ko lang nalaman na yun pala siya). Si 'Jet' ang Golden Retriever ko, na namatay dahil sa tangnang brain tumor. At ang pinaka masakit ay nung kinuha na sa akin si 'Greenwich' na inakay pa lang ay alaga ko na. Namatay siya sa kamay ko sa hindi malamang dahilan. Dinala ko siya sa iba't ibang vet. Naka tatlo ako. Inistorbo ko ang driver namin. Nabahala ang buong pamilya, parang bunsong kapatid na namin si Greenwich. Dun na kumagat sa akin. Kailangan kong maging Doktor ng hayop. Kailangang lahat ng pasyente tatanggapin ko. Di na ulit mangyayari ito sa isang batang may alagang gustong mabuhay.

Sa college merong tinatawag na 'first', 'second' at 'third' choices sa pipiliing kurso. Ang nilagay ng tatay ko 'Business Admin' , 'Com Sci' at 'MedTech + MedProper'. Nakipagtalo ako. Nauwi sa iyakan, dabugan, pero kinabukasan, napalitan.. Nasunod din ang gusto ko.. BS Bio, DVM, ComSci.. pwede na. Kaso di ako pumasa ng UPCAT. Nadale rin ako ng cut off para sa recon sa DVM. Ayaw din naman kasi nilang pumayag na mag board ako. Ayoko rin naman eh. Baka sa kung saang kangkungan ako mapulot.

Kaya sa PLM ako nauwi. BS Bio, tagumpay. Flying Colors. Ewan ko ah. Mas mahirap para sa akin yung PLMat pero maganda score ko dun. Kamoteng UP yun. Sila nawalan.

BS Bio nko. Nagaral..este,, pumasok. Nakagradweyt. Tumuloy ng Vet med, hindi natapos..May plano bang bumalik? MERON! gustong gusto.. Pero ibang kabanata yun. Maaga ang pasok. Dapat before 7 nasa Timog nko. Ihahatid pa nila ako sa Impyerno.

No comments: