Wednesday, May 20, 2009

1st Week sa Workness

Wow. Di ko inexpect na tatagal ako ng 1 week sa trabaho...pero ngayon...mag 2 weeks na! nakasurvive ako somehow sa hellish 5:30am in sa trabaho para matignan lang ang wastong preparasyon ng pakain sa mga ibon. kasi sa pagpatak ng alas sais ay nakanganga ang mga gutom na tuka ng mga ibon na mga to para sa salad, pellets, seed mix at sunflower seeds. habang ang mga caretaker nila ay hindi pa nakakapag almusal at pilit na nagsisingit ng segusegundong kagat sa kung anong dala nilang pagkain (tinapay, hopia...at cobra! ginagawa na nilang tubig eh).

Pero part ng pagtagal ko sa opisina ay ang napakabait(?) na reception sa akin ng aking mga office mates. southern guys sila LAHAT. Salamat na rin kay mervin na hindi na muli pumasok nung malaman na walang promotion sa aming kompanya (kahit na ba may pagka dim ka kuyang 35 y/o na matagal nang graduate ng Vet med (walang lisensya) at ang spelling mo ng Immediate ay Immediet at gusto mong pabalatan ung sunflower seeds bago ibigay sa ibon eh,,,ano nga ulet un?).

Pero ano nga ba ang itsura at atmosphere ng aming opisina? hindi ito ung tipikal na nakikita natin sa mga telebisyon o ang naiisip nating 'form' gaya ng sa mga call center. Farm ang pinagtatrabahuan ni maki. Exotic Bird farm. may mga exotic chicks nga eh...uber exotic.

Ang unang assignments ni Maki ay ang bilangin at i audit ang libo libong ibon sa buong complex...7 hectares LANG naman at may ibon sa lahat ng sulok. at isa pa pala...hayop na mervin to,, iniwan sa akin lahat ng trabaho. Noon pa lang nagiinventory xa ay hindi inventory ang ginawa, invenstory...! nag pa kwnto ng kung ano ano sa mga caretaker, supervisors, cleaners. amf....panget na work ethics.

isa sa mga napansin ko sa office ay ang ang mga names ng aking mga ka opisina.

Jackie Malasa - Mabait to. Tahimik, at nagbibigay ng promotion tips. Siguro dahil siya ang pinakamalaki ang sweldo sa amin..Malasa nga!

Marvin - Kapangalan ng kaibigan kong si Marvin, mabait naman...malambot..mahangin pero ayos din. willing mag turo and stuff.

Allan - May mga allan na dumaan sa buhay ko pero iba tong si allan na to. Bading na manyak sa babae na di malaman. pero ayos din..cool. siya ang nagbansag sa aking....BATA

Alvin - si mr. stockman. bihira makita sa office. pero office staff siya, lagi sa chiller o di naman kaya sa quarters nia.

Razel - Southern na southern ang accent nito..Bainte! pero ayos din to. nakalakas ng loob yung 'kaya pa' na mga banat niya pag nakkta nia akong nag aaudit

Froilan - ang hirap tawagin nito. nadudulas akong masabing...Tito. kasi kapangalan ng tito ko. mejo komang, pero nakikita ko na isa siya sa lubos na pinagkakatiwalaan ni,,,

Sir Boyet - Asawa naman ni Mam Gina na anak ni Mr. De Dios. BS Bio kagaya ko. Hmm.. cgro next time na lang ung tngkol sa kanya haha...

Working Log #1

Maki out!

No comments: