Tuesday, July 21, 2009
Tsapter 4 : Second Day Suggestions
Pag gising ko pagtapos ng napakasamang first day...malakas na ulit ako, fighting mode ba ika nga. Ready na ulit ako makipag bakbakan. Nalagyan ako ng bagong lakas.,,bagong enerhiya. Iba talaga ang nagagawa ng maayos na tulog at masarap na almusal.
Sinimulan ko ang araw sa maagang pagpunta sa trabaho. Wala pang tao.. ayos. Maaga. Unang dumating si Melvin. Na ang banat kaagad sa akin ay "mag ikot ikot tayo sa farm, para malaman natin yung sistema.". Gusto talaga niya magpasikat sa mga bossing...at least..yun yoong naisip ko.
Hindi naman malayo ang narating namin ni Melvin. Sa unang kulungan pa lang na may laman na mga Hyacinth Macaw ay napatigil na kami upang "mag observe". Oo.. mag observe. Yun daw ang magiging trabaho namen ayon sa aming impormasyon sa unang usap sa amin ng mga namumuno. Kung meron nga sigurong kurso tungkol sa ibon, eto yung lalabas.
B.S. Aviculture Major in Observation ---> Future Career : Livestock Inventory Officer
B.S. Aviculture Major in Feedcup Handling and Washing ---> Future Career : Caretaker
B.S. Aviculture Major in Powerspray ---> Future Career : Cleaner
M.S. Aviculture Major in Administrative Verbal Abuse ---> Future Career : General Manager
Kita mo na. Ang lupet. Kurso pa lang pang ibon na. Eh kaso, hindi kami B.S. Aviculture Major in Observation kaya daw hirap kami. Inobserbahan ngayon namin ni Melvin ang mga ibon. Mga Hyacinth macaw na nakalagay sa medium sized na flight aviary. Anong comment ni Melvin? "Ang laki nung kulungan".
Tinignan din namin yung mga kalagayan ng mga ibon, kung meron bang may sakit o ayos lang ba ang paglipad nila. Eto ang observation ni Melvin "Parang bigat na bigat sila sa katawan nila! Siguro kasi kulang sa exercise". Uh..Melvin? DVM Graduate ka diba? uhmm..ganyan talaga gumalaw ang mga Psitaccines, malikot.. Hindi ako nagsasalita, ayoko namang mainsulto yung matanda.
Tinignan din namin yung mga feed cup pati mga pagkain, si Melvin? Binilang niya yung sunflower seeds na nalalaglag. Sabi nia maari daw ipunin yun, gawing fertilizer..yan si Melvin, maabilidad sa recycling ika nga. Pero bigla siyang tumawa, tumingin sa akin na parang 'thing of the obvious' ang nakita niya.
Ano nga ba ang nakita ni Melvin?! Ano pa ba? Ang kanina pa niya tinititigan..ang mga sunflower seeds. Nakita niya raw ang waste daw. Napakarami raw nahuhulog na balat..At meron siyang napakalupit na suggestion.. "Base sa observation ko Mark, parang napakarami ng waste nito. Ano kaya kung..hmm.. ibigay natin ng nakabalat na yung mga seeds? tingin ko yun ung nagiging problema eh. kulang yung nutrients na nakukuha nung ibon kasi binubuksan pa nila yung seeds eh kung balatan na natin bago naten ibigay? noh?" sabay taas ng kilay ng dalawang beses na tila inaakit ako para umugnay sa baliw niyang ideya.
Noon ding araw at oras na yun. Nawala lahat ng respeto ko sa kanya bilang isang graduate ng DVM. Naisip ko na walang lisensya ang taong ito hindi dahil maaga siya nagpamilya, kung hindi dahil wala talaga siyang alam. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kailangang maituro ko sa kanya ang tama "Hinde eh.. kaya nga hookbilled yang mga Parrots, kasi adapted sila sa ganung pagkain.." nagbigay lang ako ng hints, ayoko naman siyang mapahiya.. Pero pinanindiganan niya. Kailangan daw nakabalat na. Para "efficient". At sinulat niya pa yun sa suggestions niya... Noong hapon na iyon ay magkakaroon ng malaking ekis ang papel na iyon at mapapagalitan siya.
Nung dumating na ang mga tao sa opisina. Hesitant pa rin sila makipagbonding sa amin, si Melvin binibiro biro na sila na para bang taon na siya nagtatrabaho doon at mga bagito ang kasama niya. Sa sampung banat nia ng istorya, eleven times, siya ang bida.
Nung dumating na si Sir Boyet. Nagsimula na ang unang assignment, kailangang ilista ang mga ibon, iupdate ang Inventory. Sumubok bumanat ng Suggestions si Melvin na agad binara ng instructions. Ayos. At ang BBA (Building Breeding Aviary) XIII ang una kong naging sangktuwaryo sa lugar na yon.
Noong hapon, napagalitan si Melvin as i predicted. Hindi ko siya sinabayan umuwi gawa ng nakipag 'bonding' siya sa mga construction workers sa loob. At doon natapos ang pangalawang araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment