Friday, July 3, 2009

AKO MISMO napirata

Bahagya tayong magpahinga sa mga nilalahad ni Maki at muling bumalik sa wicked world of the real world...world. Ayun.

Masasabi kong masaya na medyo yung araw na to. Nasa high-level mediocrity at may mga moments na nakakangiti. Ubod nga lang ng init. Pero isa sa pinakamasaya sa biyernes? May Bleach, Naruto at siyempre ang mundo ng mga pirata. Ang One piece.







Pero napagtanto ko. Hindi si Monkey D. Luffy ang hari ng mga pirata, hindi si Red Haired Shanks o si Whitebeard. Pero magtataka kayo...hindi rin si Gol D. Roger ang tunay na hari ng mga pirata. Ang hari ay walang iba kung hindi si Juan D. LaKrus. At wala sa dagat ang crew niya, nasa iba't ibang lugar gaya ng quiapo, monumento at mga tago at hayagang tindahan sa divisoria.



Kamote talaga tayong mga pinoy mamirata. Produkto ng sariling bansa...pinipirata..! Ang mga chinese at mga katukayo nating mga muslim eh...yung mga foreign movies lang ang pinagkakakitaan (with a few exceptions sa chinese flicks at yung mga "pirated" na chinese de lata gaya ng pirated Ma Ling at pirated Libby's Sausages). Tayong mga pinoy, patay na nga yung propreitor, nilulubog pa natin sa lupa. Bakit? Tumingin ka sa paligid ng Divisoria at sa ubod ng siksikang daanan sa monumento. Ano ba ang makikita mo? 3 stars and a sun tshirts..at ang masama 'AKO MISMO' dog tags...grabe. di nila alam ang hinintay naming mga totoong may PLEDGE para lumabas lang ang mga dog tags na yan. Tapos nakita niyo lang na bebenta eh...pipiratahin nio na.. hayop...

Pero mejo halata mo naman yung peke sa orig. Orig yung akin. Nabili sa halagang apat-napung piso. Samantalang yung mga tinitinda sa bangketa 50-100 ang price range. mag isip nga kayo! Hindi nabibili ang pagbabago sa 50 pesos o sa ano pa man. Nagsisimula ito sa ating mga sarili. yun ang essence ng 'AKO MISMO'.





Hindi naman sa nawawalan na ako ng pag-asa sa mga pinoy. Lahat naman ng pilipino ay makabayan. TAMA DB?

Hindi naman sila magbebenta ng mahal na dvd para makapanood tayo ng mga bagong pelikula, ibebenta nila ito sa murang halaga kesa gumastos tayo ng malaki sa panonood sa mga LEGAL na sinehan,karapatan ng masang pilipino ang iniisip nila, makabayan db? Hindi naman sila mang aakin ng maraming lupain na para sana sa mga magsasaka para gawing mga residential lots na titirahan ng mayayamang tao samantalang wala tayong naani at walang trabaho ang mga kaibigan nating magsasaka, mas gusto nilang gawing tirahan ng upper-class pinoy pinoyan (in other words eh...mga chinese, koreans, artistang may "kabilang" dugo, basketball player ng TEAM PILIPINAS na "imported" ang apelyido) ang mga lupaing iyon. Malasakit sa kapwa pinoy, makabayan. Hindi naman sisirain ng mga local politicians yung mga daan ng kalye sa kalagitnaan ng panahon ng tag ulan para mag silbing safety measures sa pagbabaha, na naglaon eh matagal matatapos at marami pa ang nakupit nila sa naipagawa kung hindi nila mahal ang bayan. Mahal nila ang mga anak nila, anak sa labas, anak sa loob at anak sa kabilang bahay. Pilipino yung mga yun, kaya makabayan sila.

Bakit nga ba tayo ay hindi subukang magbago. Magsimula sa isa. Matapos sa lahat. Hindi ito panawagan, sinasabi ko lang yung naiisip ko. Kasi ang virus pag pumasok sa isang cell, pag tapos na ang cycle nito may lalabas na marami pang virus, maari din mag recombine ang DNA nung virus sa DNA nung cell.. Bakit ang pagiging mapagmahal sa bayan at ang concern sa nangyayari sa iba ay hindi nlng isang virus. Kesa yung kung anong virus ang inaasikaso natin.

Magsimula tayo sa tao sa salamin (Naks. Maykel Jakson). Simulan mo jan sa mama, ale, kuya, ate, nanay, tatay, poppa, momma, bunso, achi, anya, oni-san, oba-san at kung ano ka pa man. Wala namang ibang tao dito kung hindi tayo (maliban nlng sa mga illegal aliens, mula man sa mundo ito o sa outer space). Magsimula sa akin, magsimula sayo. Kakalat yan ng parang virus. Kelangan lang mag integrate. AKO MISMO. ^_^

No comments: