Monday, January 26, 2009

Wow..Champion.

Kaninang tanghali pagtapos ng aming subject na 'Veterinary Zoonoses' ay kumain kami sa canteen ng BED at nagkakwentuhan at nagkaayaan na sumali sa tinatawag nilang 'Annual Round Up' na hosted ng organization ng Rodeo Club Philippines.

Ang quiz contest na ito ay iikot sa iba't ibang aspeto ng veterinary medicine kung saan marami sa mga tanong ay nadaanan na namin sa aming iilang taong pag-aaral ng kursong ito.

Nagregister ako kasama ang aking dalawang friends na sina Ervin Karlo 'Nuknukanngyabang' Natividad at Pamela 'Uberchinese' Tan upang maging isang team na tatawaging PEM sa kompetisyong ito.

Nagsimula ng maganda ang grupo kung saan nakuha namin ang unang limang bilang ng patimpalak sa pamamagitan ng mahusay na panghuhula, kayabangan at iilang natatandaan ng mga team members.

Pagtapos ng contest at sunod sunod na pagkakamali ay tumayo na ang team PEM upang umalis na sa lugar na pinag-ganapan ng patimpalak. Sa laking gulat naming tatlo ay tinawag ang team PEM upang lumahok sa final round!

Nagsimula ang PEM ng napakaganda ng tama nilang nasagot ang unang katanungan ng walang kahirap hirap at hesitasyon (napakayabang mo tol..).

Makatapos ang napakaraming pag-kakamali at kainisan ng mga manlalahok nakuha ng team PEM ang gawad kampeyon pagtapos na matagumpay na naisulat sa isang pirasong papel ang tamang sagot na 'Metastasis'.

Makalipas naman ng ilan pang TAON ay nabasag din ang tie ng dalawa pang grupo.

Congrats Pamela Tan, Ervin Karlo Natividad, Catelyn Tan, Neville Olivar, Paul Abara, Mark Tsai, Justine Ng, Kaibigan ni Justine <- cant remember ur name.. sowee! Kainin natin sila guys...

Champion kami..hehe..

Watch out CLSU, Watch out UPLB, Watch out ALL OF YOU...

I AM MAKI, HEAR ME ROAR!


hahaha...

Maki out!

1 comment:

Anonymous said...

hahaha. go kuya mak :p