Thursday, January 29, 2009

Cute Commercials

Sa bawat channel, sa bawat telebisyon hindi mawawala ang totoong hari ng tv airwaves. Mali ang sinasabi ng channel 2 na sila ang number 1, mali rin ang channel 7 sa mga pahayag nila na sila ang paborito ng mamamayang pilipino. Kahit anong mangyari ang 1 ay hindi magiging 2 at ang favorite ay hindi maiispell ng 7 letters. Ang tunay na hari ng tv airwaves ay walang iba kung hindi ang mga commercials!

Iba't ibang uri, likha at istilo na ang layunin ay makuha ang puso ng mga manonood para bilhin ang produkto o serbisyo na inoofer nito. Parang isang sakit na mabilis mahawa at mauso. Ang matindi pa dito, ang mga commercial walang pinapanigan. Lumalabas sa 2, sa 7 pati sa 5 at sa 4 na wala naman talagang nanonood.

Pero naisip ko, cute din ung ibang commercials! Lalo na yung mga tipong pupukawin ang mga damdamin ng manonood tapos yun pala eh commercial lang ng pulbos o cheeseburger. Genius din mga nakakaisip nito e, nagagawa nilang paikutin ang ulo mo at bulsa mo.

Sa lahat ng napanood kong commercials ngayong 2009 (oo, commercials ang pinapanood ko, hindi yung mismong show. hahaha)meron akong mga piling uber cute commercials kung saan nagshishine talaga ung mga characters o na touch ang aking damdaming malabato ang tigas.

eto sila.

Mc Donalds Commecial - First Love
Nagsimula sa isang lumang branch ng McDonalds, may dalawang nanay na magkaibigan may dalawang cute na bata isang geeky loser type boy tska isang bibo smiley type na girl. Napansin nung boy ung kakaibang pagkain ng fries nung girl na iniikot ang dalawang pirasong fries sa fudge ng chocolate sundae. Hinila nung girl ung boy papunta sa laruan at nagkarong ng time shift (perfect element, galing ng nakaisip). Malaki na sila, si girl ay maganda with the same smile tulad nung bata pa siya, si Guy? Loser type pa rin..figures. Ayun habang nakikita natin si guy na sinasabi (basahin ang bibig) "Saan pupun...." makikita niya ang family ng kaniyang first love. Makikita ng girl yung mannerism niya sa fries na nuon pa niya naituro sa guy. May dramatic speech si Guy. at aun. tpos ang commercial.



Fita - Ligaw
Nagsimula ang commercial sa isang Gym. Hindi ito yung usual setting na ang lalaki ang varsity player. Dito, yung babae ang varsity player. Buhat buhat nung lalake yung mga pagkabigat bigat na gamit nung babae, at ano pinansin nung babae? yung Fita! amp. ayun, nagdrama tong kamoteng lalaki na ilang taon siyang nanliligaw blah blah. tpos kumuha ng 2 pirasong Fita yung babae para i-represent yung words na 'OO' in other words sinasagot na siya. Pero dahil pareho silang tanga, ginawa nung lalaki eh kinuha yun Fita. Genius.

2 comments:

Anonymous said...

hahaha. oo magcocomment ako kasi ang henyo mo. hahahahahaha. nakakatawa ka magsulat kuya mak ^^ hehe. yan ah, binibisita ko blog mo XD

mikoto_maki said...

weee tenshu!