Wednesday, May 20, 2009

1st Week sa Workness

Wow. Di ko inexpect na tatagal ako ng 1 week sa trabaho...pero ngayon...mag 2 weeks na! nakasurvive ako somehow sa hellish 5:30am in sa trabaho para matignan lang ang wastong preparasyon ng pakain sa mga ibon. kasi sa pagpatak ng alas sais ay nakanganga ang mga gutom na tuka ng mga ibon na mga to para sa salad, pellets, seed mix at sunflower seeds. habang ang mga caretaker nila ay hindi pa nakakapag almusal at pilit na nagsisingit ng segusegundong kagat sa kung anong dala nilang pagkain (tinapay, hopia...at cobra! ginagawa na nilang tubig eh).

Pero part ng pagtagal ko sa opisina ay ang napakabait(?) na reception sa akin ng aking mga office mates. southern guys sila LAHAT. Salamat na rin kay mervin na hindi na muli pumasok nung malaman na walang promotion sa aming kompanya (kahit na ba may pagka dim ka kuyang 35 y/o na matagal nang graduate ng Vet med (walang lisensya) at ang spelling mo ng Immediate ay Immediet at gusto mong pabalatan ung sunflower seeds bago ibigay sa ibon eh,,,ano nga ulet un?).

Pero ano nga ba ang itsura at atmosphere ng aming opisina? hindi ito ung tipikal na nakikita natin sa mga telebisyon o ang naiisip nating 'form' gaya ng sa mga call center. Farm ang pinagtatrabahuan ni maki. Exotic Bird farm. may mga exotic chicks nga eh...uber exotic.

Ang unang assignments ni Maki ay ang bilangin at i audit ang libo libong ibon sa buong complex...7 hectares LANG naman at may ibon sa lahat ng sulok. at isa pa pala...hayop na mervin to,, iniwan sa akin lahat ng trabaho. Noon pa lang nagiinventory xa ay hindi inventory ang ginawa, invenstory...! nag pa kwnto ng kung ano ano sa mga caretaker, supervisors, cleaners. amf....panget na work ethics.

isa sa mga napansin ko sa office ay ang ang mga names ng aking mga ka opisina.

Jackie Malasa - Mabait to. Tahimik, at nagbibigay ng promotion tips. Siguro dahil siya ang pinakamalaki ang sweldo sa amin..Malasa nga!

Marvin - Kapangalan ng kaibigan kong si Marvin, mabait naman...malambot..mahangin pero ayos din. willing mag turo and stuff.

Allan - May mga allan na dumaan sa buhay ko pero iba tong si allan na to. Bading na manyak sa babae na di malaman. pero ayos din..cool. siya ang nagbansag sa aking....BATA

Alvin - si mr. stockman. bihira makita sa office. pero office staff siya, lagi sa chiller o di naman kaya sa quarters nia.

Razel - Southern na southern ang accent nito..Bainte! pero ayos din to. nakalakas ng loob yung 'kaya pa' na mga banat niya pag nakkta nia akong nag aaudit

Froilan - ang hirap tawagin nito. nadudulas akong masabing...Tito. kasi kapangalan ng tito ko. mejo komang, pero nakikita ko na isa siya sa lubos na pinagkakatiwalaan ni,,,

Sir Boyet - Asawa naman ni Mam Gina na anak ni Mr. De Dios. BS Bio kagaya ko. Hmm.. cgro next time na lang ung tngkol sa kanya haha...

Working Log #1

Maki out!

Friday, May 8, 2009

Bitter Gourdon



Kailan mo ba nasasabi na worth it ang bagay na ipinaglalaban mo? Pag ilang beses ka na nitong sinaktan o nilalaglag habang nakalutang sa sa blissful feeling nararamdaman mo? O kapag tuluyan na niyang sinabi na sumuko ka na't iwan ang bagay na iyon sapagkat wala kang pag-asa sa kanya, pano pag hindi niya sabihin iyon? Parang pinatatagal lang ang pagdurusa mo at harap harap likod kang niloloko at pinagmumukhang tanga? Kelan ka susuko at haharapin ang mapait at bahang kalsada ng pagkabigo.



Pano kung hindi bagay...Pano kung tao?

"If you can't find a happy ending, search for a new beginning"



Wew! Tagal ko rin di nakapagpost ng mejo may sense (actually non-sense din tong post na to...kelan ba ako nagpost ng may sense? hahaHA) Puro kalokohan. Tanggap ako sa trabaho. Wew..isa na ako sa Inventory Auditor ng Birds International Inc. Isang kompanya na nagpaparami ng ibon at binebenta ito sa naglalakihang halaga ng pera..SWEET! pero di ganun kalaki ang sweldo ko. kaya walang magpapalibre jan. Utot niyo.



Kaninang pauwi kami ng kasama kong schoolmate sa PLM na natanggap sa mas astig na trabaho (Avian Pediatrician, kaso stay in..so..not a chance para sa akin). Napagusapan namin pagtapos kumain sa Taco bell ang ukol sa mga libro. Kaya sumilip kami sa Power books, at doon ko napansin ang mga Parker Pens na bago. May mga astiging designs na ngayon, di gaya dati nung high school ako.



Noong high school astig ka pag meron kang Parker Pen, kasi ibig sabihin eh kayang mabuhay sayo ang ballpen ng higit sa anim na oras. Kasi ako, isang period pa lang ang tinatagal sa akin ng ballpen...nawawala na. Kung bibilangin ko yung mga nawala kong ballpen at lapis mula elemtary hanggang highschool at kkwentahin yung gastos...abot siguro daang libo (OA naman kung milyon).



Pero naisip ko. Ballpen lang yun, mabilis makuha, mabilis mawala. Kaya hindi natin napapansin ang kahalagahan nito. Pano kung nanalo ka bigla sa isang raffle ng 100010100101010101231231313131231243195719571 pesos at kinailangan ng pirma mo. Tapos bawal manghiram ng ballpen? Pano kung may contrata ang langit na valid lamang sa isang minuto, kung hindi diretso ka ng impyerno, makakahanap kb ng ballpen sa loob ng isang minuto...?



Pano kung tao na iyon? At hindi na ang pipitsuging ballpen? Tao na hindi nabibili, tao na hindi dapat madaling iwala.

Ilang araw, linggo, buwan o taon ba ang kailangang bilangin para masabing kilala mo na ang isang tao. Isang panahon din ba ang bibilangin para masabing sapat na ang paghihintay at kailangan nang sumuko?

Bakit hindi na lang iwanan ang nakaraan, sayangin ang pinagsamahan at harapin ang katotohanan na hindi lang ang oras na inilaan ang magiging paraan para magkatuluyan ang taong hindi sigurado kung nagmamahalan.

10 months to go..Sana matiis pa kita...Nakakirita ka eh.

Wednesday, May 6, 2009

akomismo.org

http://akomismo.org



be part of the solution!

ako yung tipo ng tao na hindi pinapalampas ang innovative ideas gaya nito para makatulong sa bansa. at ciempre..cool yung dog tag.

so sign up.. have your own commitment. isa lang ang bansa natin, isa lang ang buhay. wag sayangin. AKO MISMO (ako si maki) , IKAW MISMO!