Monday, September 14, 2009

Tsapter 6 : Si Idol Aducol!

Ang sumunod na araw ay napuno ng mga pagbisita ng presidente ng kompanya kung kaya aligaga ang mag-asawang nangangasiwa ng farm. Inihahanda nila lahat, pinalinis sa mga 'bagito' ang opisina, inaayos ang mga filing sa internal office, nilinis ang tulugan ni mam gina, tinanggal ang mga upos ng sigarilyo sa ash trays upang mapunuan ulit ng mag-ama, at siyempre inihanda na ang mga diet cokes ni president pag bumagsak na ang blood sugar dala ng diabetes.

So ayun, nung hapon dumating na nga siya. May kasama. Kung kaya nag drawing na ng 'Magic Circle' si Sir Boyet para ma summon lahat ng alipin niya pabalik ng opisina, at sa hindi malamang dahilan..nagbalikan kami sa opisina. Simula sa akin na nasa area 3, nakasalubong ko si Razel at si Marvin. Si Melvin din, parang nakarinig ng tinig na tinatawag siya.

Pagdating namin sa opisina ay bumulaga sa amin ang sasakyan ng ginoong presidente at isang SUV na malaki at nalaman namin na pag aari ito ni Aducol.

Ayon kay Melvin (ewan ko kung sinabi niya lang para bumida) Idol niya raw yung si Aducol, kasi nga raw magaling sa court at cancer survivor at etc. ayun eh di sa mundo ni Melvin, bida siya. Kaya tahimik kaming nagtitinginan nia Marvin at Razel na tila baga'y nagkakaintindihan na.

Si Froilan busibusihan sa computer, kinakausap ni AMD si Jackie at Badet, at maya maya lang dumating na si E-1, Arayan at Abayon (na sobrang look-alike ng current boy namin sa water station).

Pagdating nila, lumabas si Aducol at AMD, simula na ang rayot. Maraming napuno ang presidente sa kapalpakan ng pamamalakad ni Mam Gina, kung kaya kami ang kanyang puputukan, nakaramdam si Sir Boyet na baka nga naman na traumatize kami sa makikita namin, kung kaya pinalabas na niya kami para ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Paglabas namin, si Melvin tahimik...na parang NAG-IISIP..di ko alam na capable siya nun.. hahaha...

No comments: