Thursday, March 12, 2009

Neutrality

Alam mo yung feeling ng walang feeling..hay.. neutrality.. ito ung time na hindi ka in love or walang maganda o masamang nangyayari sa buhay mo..neutral..! boring at parang walang pag-usad. bawat oras parang linggo tinatagal. kaya siguro ung mga bata ay napakahaba ng oras..wala pa sila nung feeling.. pero oras na naramdaman mo un at bumalot sa buong mundo mo, maganda man o malungkot ang alalala mo dito, bibigyan ng kulay ang mundo mo. bawat oras mas mabilis pero mas may kulay...di katulad ng nararamdaman ko ngaun. black and white. parang lumang tv na walang pag usad..hindi plasma, hindi bago. walang kwnta.. hindi malungkot, hindi rin masaya. may sounds pero hindi maingay...hindi rin tahimik.. pH 7.0, hindi acidic..hindi alkaline..

Wala bang darating para lagyan ng positivity o negativity ang buhay na ito? hay...

No comments: