Magulong araw. Di malaman kung tutuloy ba o aatras. Late na nagising at hindi pa ganap na handa ang requirements. Ang taong dapat kasama sa pag aapply, di pala qualified, kasi lalaki ang hanap nila. Kaso matigas ang ulo, malakas ang loob.,,kabataan nga eh. Kaya ayun, kumasa pa rin.
Nagkita kami ni Meren sa isang lugar na madaling puntahan. Madaling makita. Pero di alam ng manong driver ng FX sa na sakay ni Meren. 711 Araneta avenue ang meeting place. Oras? Bahala na, kung anong oras dumating dun. Pupuntahan? Sa Timog Office ng Birds International. Ano ang inaasahan? Trabaho.
Kaya ayun na nga, tumungo na kami sa nasabing opisina. Hindi man namin alam pumunta, nakaisip din kami ng paraan. MRT, isang istasyon lang. Bumaba kami sa GMA Station. Cool. Artista. Kaso wala. Sa isang lugar kami napunta, maraming traktora, maraming kagamitan sa construction. Walang ibon. Posible kaya na ito yung pinuntahan namin. As it turns out, oo. Pinapasok kami sa mala kuta ng sindikatong area kung saan kumakain ang ibang empleyado. Dun kami binati ng HR Staff na si Ms...nalimutan ko ang pangalan, basta alam ko may edad na siya. At ng isa pang hopeful na magkatrabaho na si Melvin Gondanar.
Si Melvin, graduate siya ng GAUF (na ngayon ay kilala na bilang DLSAU). Wow.. Schoolmates kami.. Mraming kwento kung saan halos isang daang porsyento dito, siya ang bida. Mga achievements niya sa sales, mga pinalakas niyang kompanya. Natanong ko sa sarili ko..bakit ka naghahanap ngayon ng trabaho...? At sumagot siya "Nagkaron kasi ng problema". Ang daming kwento pero nung binanat na niya yun, di na ulet nag kwento. Ako na ngayon ang nag imbestiga.
"Anong org mo?" - Saver daw. Patay. -100 points ka na kagad sa akin manong.
"Licensed knb?" - Hindi pa raw, nung gumradweyt daw kasi siya, BIGLANG nabuntis yung asawa niya. Take note...BIGLA. Nasa isip isip ko. Amp to, mabubuntis ba yun kung wala kang ginagawa dun, kamote. pero pinagdildilan niya. BIGLANG nabuntis yung asawa niya. May magic.. May stork.. Bigay cgro ni Santa Claus.
Ayun, after kumain. Kinasa na kami sa iba't ibang uri ng pagsubok. As usual, i aced most of them. Bwahaha.. Si Melvin..ayoko nang mag comment.
Humantong na sa interview. Kinakabahan kami pareho pareho, si Meren ay sa ibang departamento napunta, pero ayun. Kakasahin niya raw. Inusukan na ni Sir AM ang kwarto. It's party time.
Ang interview ni Meren. Tumagal LAMANG ng 1 at kalahati. Ewan ko ba kung ano nang pinagawa sa kanya dun. Ginawa atang manok. Pero pag labas niya, pagod at may oras na ng unang pasok.
Ganun din ang nanyari sa akin, kinutya ang grades ko. Masaya na raw ako sa tres. Eto lang daw ang kaya ko, eto lang ang goal ko. MGA tres. Nag aral din daw siya, pero hindi raw ganun. Sa ATENEO (eskwelahan ng mga diyos) daw siya nagaral. Ganito rin lang daw gagawin ko sa kompanya niya, magpapabanjing banjing. Hindi ko raw gagawin ang tama, pupunta daw ako sa madali....sa mali. Tinanong kung taga saan ako, nung nalamang taga tondo ako, lalong ginanahan.. kumana ng kung ano ano sa tondo. SADLAK daw sa hirap ang mga tondo, MASASAMANG tao daw mga taga dun, maiitim daw ang budhi, mga magnanakaw daw. Ganun din daw ako, wala raw akong iniba sa mga tao dun.
Sa kalagitnaan ng usok, mga larawan ng ibon, mga gintong tropeyo at isang malaking santo nino sa opisina na yun, nagsisimula na akong mainis. Gusto ko nang sagutin. Pero di natapos dun si Sir AM. Eto ang di ko malilimutang banat "Kung baga sa baso HA?, ang baso mo maliit HA?, maliit ang kapasidad HA?. Konting tubig lang ang pwedeng ilagay sayo HA?. Mabagal ang utak HA?. Ayoko ng bababagal bagal ang utak HA?, gusto ko mabilis HA?, lakihan mo ang baso mo HA? Sumabay ka sa amin. HA? Sige, susubukan kita".
Monster Inc. na buhay. Tanggap ako. Di ko alam kung endurance test lang yun o ano. Basta, bwisit ang naramdaman ko nun. Mas mabigat pa sa excitement sa pagkatanggap sa unang trabaho. Dapat pala nun pa lang umatras na ako. Di na sana humantong sa ganito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
tanggap ka kc klngan nila ng tauhan..
mainit lng cguro tlaga mga ulo nila sa mga "bata"..
buti na lang hindi ka gumive-up..
hahaha
anung impyerno yang pinasukan mo
makikomaki?
akala ko ala bruce lee ang baso na sinasabi mo?
un pla "sabon sa baso" ang inabot mo..
naaliw akong basahin mga sinulat mo
may laman ung mga salita mo
nakikita ko si bob ong sau,,..
un nga lng tlga,.
mas maliit ka..
pero di hamak na mas magaling ka mag joke!.
ciao!
Post a Comment