Hay. Matagal tagal na rin akong di nagkakaron ng girlfriend. Naalala ko tuloy, yung huli ko eh..April 18, 2008 niya ako sinagot, sabi namin last year icecelebrate namin yung date ng bonggang bongga kaso due to the cirucumstances, hindi pwede. Tsaka ayoko na rin, hindi ko deserve yung taong yun..masyadong mabait!
Anyways, naiisip ko na tuloy yung mga bagay ukol sa relationships. Sabi ng ilang surveys na nabasa ko 1 out 5 lang daw ang single men out of single women. Wow ang konti. Sabagay, bata pa lamang ay napakastrict na ng competition ng mga lalake, meron namamatay sa aksidente, sa sakit, sa tuli, sa away at sa iba't iba pang kagaguhan ng mga lalake. Pero ang masama dito, dahil kumakagat ang tinatawag na natural selection, ang mga pinakamalalakas, ang pinakatuso at minsan ang pinakapractical ang umaabot sa stages na pwede na silang mag reproduce (Bio mode on)....(Bio mode off), pero sabagay...iba iba nga naman ang diskarte ng mga lalake. Ano ano nga ba ang mga ito?
1. Si Poverty
- Pangalan pa lang mejo alam mo na diskarte ng mga ganitong lalaki. Sila yung ginagamit ang tinatawag na 'Maawin' reflex ng mga babae. Natural na maging maawin ang mga babae, sa hayop, sa insecto (?), sa halaman at sa mga hayop na lalake. Ang linya eh "Kasi nadapa ako", "Kasi may cancer ako", "Kasi pinako ako sa krus". Napaka low life ng dating. On top of that, sila yung tipong pag hindi sinagot ay nagtatransform mula sa mapaawa patungo sa mapait.
2. I am Legend
- Sila naman yung tipong "Nagawa ko na to..." kind of guys, ubod ng yabang at parang di mo na alam kung paniniwalaan mo ang mga pinagpuputak nila. Sample : "Nakapunta na ako sa space eh", "Nakakalipad ako", "oo..ako si batman"
3. Ginoong Passive
- Alam mo na tong mga tipong to. Anjan si Crush/Nililgawan...pero hindi niya papansinin! Akalain mo! Pogi?! Sila yung tipong hinihintay na mag first move ang nililigawan o sila yung mag approach ng usapan. Sila din yung tipong nababasted ng di nila namamalayan...passive eh!
4. Gold Digger
- Kung iniisip niyo eto yung tipong nanliligaw ng sobrang yaman, nagpapauna na ako. Mali ang iniisip mo. Si Gold Digger ay ang lalaking ang diskarte ng ligaw eh maitatago natin sa simpleng terminong 'Pailalim'. Sila yung invisible kung dumiskarte. Di mo alam na nanligaw pala siya kay ganito o kay ganyan. Magugulat ka na lang sila na...o kapag wala na sila. O diba? Meron akong kilalang ganito eh. eto yung larawan nia (censored para di kilala)
5. Victorio Angasis
- Maungas ungas na diskarteng maton na ginagamit ang labis na kaangasan sa pangliligaw. Sila yung tipong idolong idolo si Binoy o si Cesar Montano. Yung babastos bastos at balahura kung magsalita at magiging malambot at mapagaruga pag napapahamak si babae...Too much PINOY action movies cgro ang problema ng mga taong to.
6. Gadget Boy
- Siya naman yung tipong hindi kayang dumiskarte ng harapan. Kinakailangan pa ni Gadget boy ang kanyang mga maasahang tools of destruction. Ang kanyang mga gadgets! Pwedeng Cellphone, PC, Laptop, Landline, name it. Sila yung mga taong sa text, chat o tawag lang malakas ang loob makipag kuskusang dila sa kanilang kinakausap pero tameme naman pag kaharap na ang nililigawan.
7. Kabute
- Eto yung pabugsu bugso sa pag approach. Minsan nanjan minsan wala. Sila rin yung tinatawag na opportunists (parang fungi talaga!) na nagaabang na walang boyfriend ang isang babae o di naman kaya ay nagkaraon ng heartache o away. Tsk tsk tsk.. Wag tutularan si Toadstool!
8. Friendster
- Maraming kaibigan. Maraming katukayo. Maraming barkada. At hindi siya ang manliligaw sayo, sila. Oo. Kaibigan ang bahala sa diskarte, darating na lamang siya para kainin ang tinanim, sinaka, sinaing at hinain na kanin. Malas nga lang pag nainlove yung kaibigan niyang nanliligaw para sa kanya.
9. Frog Prince
- Siya naman si Boy Pangako. Ang linya niya eh "Magbabago ako pag naging tayo na" , "Popogi ako pag nahalikan mo na ako", "Mag-eevolve ako patungo sa pagiging tao sa pamamagitan ng yakap mo". Sila yung ipapabatid sa inyong mga babae, na pag sila ang pinili niyo eh..magiging turning point kuno sa buhay nila ang pagsagot niyo sa kanila. Babala lang. Baka pag iniwan niyo sa ere eh awayin kayo ng nagwawalang palaka.
10. Black Mamba
- Sa mundo ng mga hayop, ang Black Mamba ay isang uri ng ahas na labis ang aggressiveness at kamandag. Isa rin sila sa mga ahas na may pinaka mabilis na movement speed. So anong madededuce nating sa lalakeng Black Mamba kung dumiskarte. Walang paligoy ligoy, direct to the point ika nga. Agresibo, "Rarr" ang kanyang motto. Mabilis ang kamay at makamandag ang mga kilos..So to put it simple...Manyak..
11.Barbaero
- Barbabaero-Barbabaero. Ang kantang sabi niya na nababagay sa kanya. Babaero kuno. Na ipapakita pa sa babae ang naka line up na litrato ng babae sa kanyang wallet. At ang banat eh "Para sayo lilimutan ko silang LAHAT (100 na pics nasa wallet)". Sila rin yung tipong ang mode of diskarte ay pagseselosin ang babae para mapalapit sa kanila..too much PINOY teen flicks naman ang sakit nito.
12. eX-Factor
- Knukwnto naman nito ang lahat ng ukol sa mga naging ex nia. Kung pano siya kinawawa o kung gaano sila kasaya nung ex niya. Ang layunin? Pag ung kinawawa, para kaawaan, para sagutin. Pag yung kasiyahan, para pagselosin ang babae at para mag karon ng kompetetiveness ung babae sa ex ni lalake. Tsk. Ugali nga naman!
13. Artista
- Napanood mo na yung 'My Sassy Girl' o '50 first dates'? Si artista, gagayahin lahat yun. Sila yung tipong kumukuha ng tips sa diskarte sa mga pelikulang napapanood. Feeling nila pelikula ang mundo. Cute na sana eh. Kaso walang originality.
14. Pudge the Butcher
- Naglalaro kb ng Dota? Kung oo..kilala mo si Pudge at ang kanyang meathook. Sa hindi naglalaro ng dota, yung meat hook ay ginagamit upang mahila ang kahit anong character sa mapa sa isang range patungo kay Pudge. Ang moral lesson? Sila yung mga SULOT! Galit ako sa mga lalakeng ganito (kasi biktima nila ako sa isa kong niligawan). Dapat sa kanila ilibing ng buhay, tutal undead naman sila eh. Ayos din sa diskarte, panget nga lang.
15. Prince Charming a.k.a. Mr. Perfect
- Ang mangliligaw na hindi nag eexist. Sa libro, sa imahinasyon at sa pangarap lamang nabubuhay. Di ko sinasabi na walang taong ganito ah. Ang sinasabi ko lang eh hindi siya nabubuhay sa mundo natin, o? fair enough.
Kaya kayong (tayong...ehem) mga lalake, ayusin natin, isa sa lima ang ratio. Bawas pa natin ang mga naiiba ang landas (mga nagiging bakla). Konti na lang tayo, wag magaagawan (wag maging Pudge?) at siyempre wag mangliligaw kung di naman talaga mahal. Hindi for fun ang pagmamahal (naks!), kailangan nito ng dedication, TRUST™ at commitment. Sa mga babae naman, kung hindi man si Prince Charming yang nanliligaw sayo (gaya nga ng sabi ko..hindi totoo si Mr. Perfect), eh kung nararamdaman mo namang seryoso at mahal ka eh..pagbigyan mo na. Watch out lang kay Black Mamba.
Friday, April 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
hello maki! babalik ako ulit, di ko pa nabasa post mo eh. :D
thanks pala sa compliment.
Nakkksss... haha...mdami naq nakilalang gnyan...amf!..kakatawa
Oo, masyadong mabait. Inabuso mo. Tsk. Haha.
Haha. Sino yung tinutukoy mong Pudge? At sino yung nililigawan mong yun? :D
Baka naman mas deserving yung Pudge na yun dun sa nililigawan mo kaysa sayo? :D
maki naman..i nkow someone who can relate to most of the characteristics na isinaad mo dito..wahahahahahahahahahahahaha!!!
now i know! hahaha. gnyan pla keu ah.. tsss. mga lalaki nga naman. hahaha. chos! :D
"Haha. Sino yung tinutukoy mong Pudge? At sino yung nililigawan mong yun? :D"
- Basahin nio ung post kong 'Ang mga babaheng hinugot sa aking tadyang' isa siya dun. hahaha
"Baka naman mas deserving yung Pudge na yun dun sa nililigawan mo kaysa sayo? :D"
- Di noh. asa siya. di siya sumunod sa International Rules of Ligaw "Thou shall not be sulot"
eh sino siya dun? hehe dami mo kayang babaeng hinugot sa tadyang mo :D
nakakatuwa tong post mo na to. hehe
ano yung international rules of ligaw? bakit siya naging sulot? sensya na master maki. para kasing nakakaaliw yung mga blogs mo. :D
dun sa isang nagtatanong kung sino dun eh...un ang assignment mo..
dun sa isang nagtatanong ng rules ng ligaw. popost ko din un...in due time. ^_^
nge assignment ka pa jan. yaw pa sabihin. pano ko malalaman yun? :D
nakita ko yung mga babaeng hinugot sa tadyang mo na blog. crush ko yung maiko ^_^
kamote kyu. dami naman nagkacrush kay maiko amf. x_x
kaya maki, begin to getover maiko na.
amp! sino kb? x_x?
taga malapit sainyo. hehe
Post a Comment