Bad trip talaga mga government offices ngayon! Papupuntahin ka at papipilahin ng pagkatagal tagal (hanggang tubuan ka ng bigote't balbas at maging uugod ugod na matanda ka na'ng tagal, oo...SUPERLATIBO!) pero para saan? Para sa WALA! Paiikutikutin ka, pagagalitan, gagawing kamote, at saan mauuwi ang lahat...Pababalikin ka sa ibang araw.
Kanina nasa Civil Service Office ako, mejo COMPIDENT na kasi successful yung unang lakad ko sa NBI (kumuha si maki ng NBI clearance kanina). Kaso kamalas malasan saktong lunch break nung nagawi ako sa Banawe Office ng CSC. Amp.. Tapos..napakatagal nila mag lunch, limang minuto isang subo. Nang matapos na, eh..aun sabi hindi raw pwede yung id picture ko na walang name tag. Bumababa ako sa pag-asang merong id picturan center sa harap ng opisina. Kaso, galit ata sa akin ang 'Government office gods' kaya minalas akong sarado ang piktyuran. Bad trip. So ayun, dahil sa masaya pa ang mood ko dahil sa tagumpay ko nung umaga, pumunta ako sa entrada ng Banawe para malaman na kailangan ko pang pumunta sa Welcome Rotonda.. Hiyang hiya na ako kay Janel dahil sobrang hassle ang naging pagpunta namin sa CSE. Ayun, pagbalik sa office, hindi prn pde ung picture ko. BADTRIP!
Pero habang naglalakad pauwi. Napagusapan namin ang ilan sa mga kinakain ng sambayanang pilipino (kasama na dito yung mga pintsik (pinoyinstik), pinpon (pinoyhapon), pinkoreano (pinoykoreno), pinarabo (pinoyarabo) at iba't iba pang uri ng "pinoy pinoyans". Eto ang ilan sa mga ito.
1. De Latang Instik
- oo.. de latang instik. di ko maintindihan ito nung una, sabi ni janel, parang spam daw na di mawari...kung alam nia lang na kinakain niya ang kaniyang kalahi! Ano pa ba ang pwedeng maging laman ng 'De Latang Instik'..ano pa? eh di instik! totoo lang ah...di naman natin nababasa yung labels nun e. ano bang alam natin kung mga laman ng tao na pinroseso para maging katakam takam na 'spam' like concoction yun...nag net ako...meron nga! Canned Chinese.....salad!
2. Spanish Bread
- masarap sa miryenda, agahan o di kaya naman ay sa kung anong pagkakataon lamang. masarap sa kape, sa milo o sa tubig. nabibili ito sa lahat ng panaderya sa buong kamaynilaan (parang wala sa nueva ecija eh...not sure ah!). At ang tawag dito ay...Spanish Bread (dum..! dum..! dum..! <-sinister music). Pero ang masama kasi, hindi naiisip ito ng tao...pero ang misteryo ng katakam takam na laman ng "Spanish Bread" ay malalaman natin sa pamamagitan lamang ng simple logic. Ano ba ang laman ng Monggo Bread...Monggo db? Ano bang laman ng Custard Cake..Custard db? eh ang spanish bread? OH HINDE! Spanish people ang laman nito! pinong pino at ginawang nakatatakam na mixture dahil sa sobrang dami ng asukal sa katawan ng mga espanyol...!
3. French Toast at French Fries
- Sabi nila, Itlog+tinapay+asukal+mantika walah! french toast. pero naitanong na ba natin sa ating mga sarili kung ano ang ingredients nito sa mga "authentic" french bakeries? ano nga ba ang sikretong sangkap para maging malinamnam ang mga french toast..hindi kaya..mga FRENCH?! at wag pa nating usisain ang mga FRENCH FRIES!
Imposible namang Patatas yun, eh...NAPAKAHAHABA!
4. Italian Pizza
- Pwede nating palampasin ang 'De Latang Instik' pati na rin ung 'Spanish Bread' Pero hindi ko mapapalampas to. Oo.. ang italian Pizza, meaty..maraming sangkap..sausages...ground meat (meat ng ano nga ba? HMmmmmm?!) at "mushrooms" kuno. pero isipin natin. nakakakita ba tayo ng Pintalians (Pinoy italians). Wala db... ngayon alam mo na kung ano ang tinitira mo tuwing umoorder ka ng Italian Pizza!
Tuesday, April 7, 2009
Food Quest
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Hahaha...VerY funny!inde naman tlga delatang intsik ung spam noh...sabi ko...ung Mushroom bean paste at ung manufacturer nya..GULONG!!!
ang dami mong alam maki..
ulol.. hahaha
nkakatuwa po. hiHi, (knailangan ko lng pong magsuot ng gLasses pra mbsa.) anyways, nice work.Ü
Post a Comment