“In true love the smallest distance is too great, and the greatest distance can be bridged.”
Sabi nila pag nagkalayo ang dalawang tao dahil sa kinakailangan nila ng espasyo para sa isa't isa o sadyand itinakda lang ng tadhana na magkalayo sila ng panandalian o matagalan, dalawa ang ang maaring mangyari. They may either get closer or forever be brought apart by that distance.
Iniisip ko parati yung mga taong hindi ko na nakakausap ng matagal. Ano na kaya ang mga buhay nila. Alam ko namang iikot ang buhay nila kahit wala ako. Pero sa mga pagkakatataong maiisip ko na pagtapos ng maraming segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan o taon na pagkakalayo, ano nga ba ang pwedeng mangyari kung itulot muli kayo na magkasama ng tadhana ng kahit panandalian lang. Ano na ang magiging 'lagay' ninyo.
Tuluyan na bang makakalimutan ang lumang pinagsamahan at panghabang buhay nang maghihiwalay pagtapos ng maliit na pagkakataon o sa isang iglap ng tadhana ay bumalik ang mga alala at nararamdaman. Maalala ba ng puso ang tibok ng nakaraan o tuluyan nang mag iiba ang pintig?
Dalawa nga lang ang pupuntahan ng distansya....
"When two people are separated by distance, they can either be closer or forever be distanced from each other."
Thursday, April 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
nice blog..
my pnghuhugutan ha.. haha..
pwo nkakaaliw xiang bshin...
last na madramang post daw.. sus..
iikot ang buhay??.. haha.. andaming grammatical errors..
hayaan mo na, ganun lang siguro talaga, nangyayari ang mga bagay na dapat mangyari..
parang sila din ikaw.. hindi na ikaw yung dating maki, pero hindi pa din ikaw yung maki na gusto mong maging..
bantayan mo maigi sarili mo.. matatagalan panigurado bago muli magkrus ang landas natin.. tandaan mo parati na kapag inalukan ka ng bawal, hindi si ama ang nagbigay nun sa yo.. ayun.. hehe.. napakahilig mo kasi masyado sa bawal..
asa ka. kilala ko kung sino ka noh.
Post a Comment