Tuesday, June 22, 2010

Emoticus

Kapag bagong transfer tayo sa isang iskwelahan o isa kang second courser gaya ko, ang hirap makibagay na lang bigla sa mga tao. ang hirap kunin nung kani kaniyang kiliti at kulit, sapagkat unang una, hindi ka nila ka batch. di nila alam ang timpla mo. pangalawa, lalabas na "senior" ka, kung kaya hesistant silang lumapit sayo either dahil takot silang ma-over power mo ang kanilang mga intellectual statuses o sadyang nahahamon lang sila sa pagiging mas matanda mo.

Pero natutunan ko, its not that bad at all. Di naman sobrang nakakalungkot mahiwalay sa batch ko. napamahal na rin sila sa akin, kahit 3rd na sila nung pumasok ako sa mga buhay nila, naalog nila ng todo ang mundo ko. haha. nakaka miss yung mga umaumagang banatan ng asaran, pang bubully kay Christy at mga kalokohang usapan ng mga bagay na may sense kahit na ba walang sense.

iba na kasi ang mga kasama ko ngayon. marahil nahihirapan akong sumabay sa takbo ng isip nila, pero salamat sa mga propesor at iba pang ka batch na medyo nahuli, nakakaagapay naman ako. Marami din akong bagong taong nakilala at nakasalamuha dahil sa pagkakawalay ko sa kanila.

"Bawat bagay na mawawala sa atin may equal na bagay or mas magandang bagay na ipapalit"

No comments: