ginawa ko to today. 09-16-09 at 2:30 am
Sobrang di ko mapigil ang emotions ko, nakakatawa, nakakaiyak, nakakatats o nakakapagbabalik ng lumang alalala. Eto ang ilan sa mga nakita ko.
1. Life changing message #1
History: Naalala ko ang isang babae noong sumali ako sa Binhi Cup Quiz Bee. Kasali ako noon sa Math Olympiad, kapartner ko si dambuhalang Iris (na noon ay hindi pa xa dambuhala). Sa loob ng tabernakulo, may isang batang babae, nag iisa siya. Naka puson ang buhok at tila baga'y tutok na tutok sa kanyang binabasang Pasugo (Magazine ng Iglesia ni Cristo). Nagrereview siya sa "Pasugo Quiz bee" portion nung event.
Hindi siya yung tipong kagandahan na maaring makapagpasugod ng isang bansa. Pero may kakaibang aura siya na tumawag sa akin na lumapit sa kanya. Panandalian kong iniwan ang mga kasama at lumapit sa kanya.
Sabay tanong kung saan siyang lokal (parang congregational group sa church), Grace Park daw. Di niya pa agad ako pinansin. Pinagmasdan ko siya ng malapitan. Naka puson ang kanyang buhok, nakaputing blouse at kapag ngumingiti siya ay lumulubog ang butas sa kanyang pisngi.
Nagkakwentuhan kami, nagkapayabangan ng schools (Manila Science ako, Caloocan Science siya) pero nung even na niya, hindi siya dumating. Lalong naging mysterious.. Lalo akong na engganyo makilala siyang lalo.
After ng ilang taon, 1 year ata. Nadiskubre ko ang search sa friendster. August 2 nung minesage ko siya, nagreply din siya nung hapon na yun. Eto yung reply.
Date: 08/02/2004 4:56 pm
Subject: Re: ui!
Message:
salamat ha! birthday ko ngaun aug. 2 regalo ko
ha pag nagkita tau, jokes lang, cge ingatz!!
After Effects: Ano ang life changing dito? Wala akong idea na siya ang taong nananaisin ko sa buong buhay ko. Bad trip. Nagsimula sa curiosity, pero nauwi sa pagkahulog ng loob.
Btw, WALA pa rin kaming progress. hahaha.
2. Life changing message #2
History: Naisip kong imessage siya, after 2 years dahil nakita ko siya sa isang pamamahayag. Mangaawit na siya ngayon ay nagpalit ng hair style. Di ko pa rin makalimutan ang dimples niya
Date: 05/24/2006 3:08 pm
Subject: Re: hi
Message:
mark?? tga obrero?? txt mo nlng aq..kso kung d ka
globe bka po d aq mkreply..
0906--------
After Effects: Hanggang ngayon baliw pa rin ako sa kanya. hahaha..
3. Messages of Closeness (T_T)
History: Isa sa mga greatest regrets ko sa buhay nung nagalit sa akin ng sobra ang taong ito to the point na hindi na kami maayos na nakakapag usap until now. Sobrang close kami dati. And almost...maging kami. Ewan ko lang..hahaha.. Siya ang taong nagsabi sa akin na 'you dont know love, and you dont deserve to be loved'. I cant blame her though, pero nabasa ko ung mga msgs namin.. Super close pala talaga kami dati. Bes nga ang tawagan namin eh. It sucks how things may change in a matter of seconds.
[kung nagbabasa ka, jan sa look na yan ako na inlababo sayo. hahahaha..]
Date: 08/04/2007 3:03 am
Subject: Re: eow
Message:
everybody has a right to change.. they may not be accepted for this changes pero, who cares.. nobody's perfect mark, sometimes we realize our own mistakes at right time, time is all we need. i believe na nobody is bad, people just don't understand them for the things they have been doing. people tend to move towards something that makes them happy even if it means they have to do something socially unaccepted.. what are norms anyway, people just set them.. yes we should be guided but still the decision is ours..
kahit pa madami aqng ginawang bad, i wouldn't defend myself by saying di ko ginusto lahat, in someway, dapat alam q ung consequences ng act q, kaya lang tlagang ganun, things may not happen the way you wanted to, and auq ng madepress for life dahil dun.. di ko sasabihing bad aq, im still gud, xempre:)
Maki wrote:
> I just lost the right to say that im a good girl :)
>
> what are ur opinions on this statement.
After Effects: Ala pa rin kaming maayos na communication. I greet her during her birthdays, minsan nagttry mag regalo. Nung nakapasa siya ng board exam, kinongratulate ko, nung nagkasakit siya dinalaw ko. I just can't let go of the memories. Nanghihinayang ako sa mga alala na maari pang maidagdag.