Thursday, April 23, 2009

Rainy Summer Days

Whew. Katatapos ko lang maligo at naghihintay ng mag-aaya ng laro. Ganito ang buhay pag bakasyon, walang ginagawa at wala ring natutununan. Minsan nga naisip ko wag na lang mag laro eh. Kasi wala naman talaga kaming napapala sa pagdodota...! TAMA! Simula ngayon titigilan ko na mag dota...!

After 15 mins....naglaro ng dota si Maki. Ganun talaga ang tao. parang panahon. Mabilis magbago.

Badtrip ang panahon ngayon. Iba iba. Ano ba ang larawan ng Summer para sa ating mga pilipino? Maaraw, masayang gumimik kasama ang barkada, masarap mag tsinelas kasi walang putik na sisira ng araw ntn at ciempre anjan ang init ng umaga na totoo namang gigising sayo ng bonggang bongga. Pero badtrip ngayon, bakit umuulan?! Hindi ata alam ng summer na summer ngayon. O nakalimutan ng ulan na sa June pa nakaschedule ung flight niya papuntang Pilipinas.

Bakit nga ba ako badtrip na umuulan ulan (on the contrary....NAPAKALAKAS NA MGA PAG-ULAN) ngayong summer? Nun kasing isang araw, pauwi ako sa amin galing sa fairview. Dumaan na ang FX sa Araneta naisip ko "Pede na akong bumaba dito", pero hindi..! Mas pinanindiganan ko yung sinabi ko sa driver na sa Quiapo ako bababa. Bakit nga ba.. hmm.. una ayoko pa talagang umuwi, pangalawa feel kong pumunta ng quiapo, at pangatlo, pagbaba ng quiapo sakay na kagad ako ng isang jeep. Isa na lang, kesa sa Araneta na dalawa pa (ayos din ang logic ko noh?), Eh di hindi ako bumamaba. Pagkalipas lamang ng ilang sandali, biglang nagalit ang langit, ulan...malakas..patay..nagka-amnesia na naman si summer.


(Ang Tamang Summer)


(Ang Maling Summer)


Pagkatapos ng ilang liko at pasikot sikot na maneobra ni manong driver, nakalabas kami sa traffic at bumulaga sa aming mga pasahero ang morayta. Sapilitan kaming pinababa ni manong driver at binigyan ng kanikaniyang pamasahe (Thnx dad.!), pero in a way. ok na kako ito. Makakauwi na ako, mahina na ang ulan. Papalakad ako pabalik ng recto ng bumulaga sa akin ang sunod sunod na baha.. baha sa unang kanto, baha sa pangalawang kanto..baha lahat hanggang sa kanto ng FEU. dun lang ata safe. Walang ibang paraan kung hindi pag bigyan ang mga extortionists sa kanilang mga kagustuhan

eto yung listahan ng lugi ko
- Tawid sa unang baha via pinagpatong patong na bato - 5 pesos?! (amp! pinulot lang nila ung mga bato na un eh!)
- Tawid sa pangalawang baha via mga upuan na pinagdugtong dugtong - 5 pesos ulet! (Tae... wala akong barya..!)
-Tawid sa pangatlong baha via sakay ng sidecar - 10 pesos!? (sobra na to ah. amp.)

bale para makatawid lang sa mga baha eh gumastos ako ng 20 pesos. eh kung bumaba nlng ako sa Araneta nung una pa. tuyong tuyo sana akong nagpapahinga sa bahay,

Iba inilalabas ng baha at ulan sa tao. Kahit anong natural calamities o anu pa naman. Gagawin ng taong negosyo yun. Lahat para sa pera..Bulok na sistema.

Badtrip talaga mga mapagsamantala. Dapat yung mga katulad nila eh kasama rin sa listahan ng mga modern day criminals gaya ng mga holdaper, kidnaper at yung mga drivers na sobra ang singil sa jeep. kaya ako..? hindi ako nagbibigay sa mga namamalimos eh. hindi naman sa maramot ako. pag pusa nga binibigyan ko ng pagkain eh (kasabay nung wss...wsss..wsss sounds). pero na naisip ko lang, tao mga to. nakakaintindi, nakakapagsalita, nakakaisip..kaya na nilang pakainin mga sarili nila. at isa pa, may narinig ako sa isang sociologist na pag binigyan mo ang mga ito eh "you are doing them more harm than help". kasi nga naman, (lalo na sa mga bata) pag nakatangap ng kaunting barya, hindi masasatisfy yun, babalik ung kinabukasan at sa susunod pang bukas. hanggang dun na siya mabuhay sa kalsada kasama yung ibang bata na paglaki ay magsisipag-asawa sa kapwa nila street people at magpaparami. at pag nagipit dahil walang makain, magiging holdaper at papasok sa bagong cycle ng kahirapan (whew). Ang masama pa nun eh, kapag binigyan mo..hindi garantisadong sa pagkain niya ilalaan yun. maaring sa alak, sa ipinagbabawal na gamot (rugby?) o ipupusta sa bingguhan sa riles.



Pero eto ah. aaminin ko na. isa sa mga rason kaya hindi ako nagbibigay LALO na sa mga street children eh kasi namura na ako ng todo todo ng isa sa kanila. oo.. maliit na bata, nagpapaawa, NAGMUMURA ng ubod ng lutong. Daig pa bagong lutong chicharon. Ano nga ba ang nanyari? Pauwi ako galing school..masaya akong nageenjoy sa mga tanawin. At kung madalas kayong mag jeep alam nio na may pwesto ang mga 'punas sapatos/paa/tsinalas boys' sa may 5th avenue, eh di pumasok si bata. raraket. Ayos daming nagbigay, yung katabi ko 20 pesos yung inabot, matandang babae, teacher ata base sa uniporme. eh wala akong barya nun, naisip ko na lang mangaral...sabi ko "Baka sa rugby mo lang gastusin yan ah"..concerned 'kuya' ung tone ko. wala akong gustong palabasin, pero yung bata parang guilting politiko...NAGAWALA! Pinagmumura ako ng 'P^#$ang inasal!, hindi ako nagrurugby u!o!!" dirediretso yung hanggang nakatawid ung jeep namin ng 5th ave, tameme ako. panalo yung bata. pero bumulong yung katabi kong nagbigay ng bente "Dapat pala hindi ko binigyan" ayun, pareho kaming natuto.



Sa lahat naman siguro ng dumadaan sa blumentritt eh kilala niyo si 'Boy Paawa'. Siya yung mukhang tatay na nagbabata bataaan sa blumentritt. May franchise din siya ng 'Punas Boys Corporation' pero iba style nia. Papasok sa jeep, titingin tingin sa mga pasahero sabay banat ng "Mam, Ser, Pahingi naman po ng kaunting barya...kesa naman po maging snatcher". O db, scammer. Sabi sa aking ng kaibigan kong pulis, may time daw na nang-isnatch to. pagtpos na pgtpos nung speech nia. wala cgrong nagbigay ng barya, kaya nagtransform...naging snatcher.

At sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga Badjao badjaoan sa kahabaan ng McArthur Highway. sa mga pumapasok sa Fatima, DLSAU, PLV at iba pang shools paglagpas ng victoneta ay na encounter na ang mga ito. Sila yung partner partner ang lakad, may sistema talaga, yung isa mamimigay ng sobre 'Mga badjao (minsan ifugao eh..depende ata sa trip nilang ilagay na ethnic tribe)' yung isa magsisimula magtatambol ng 'Ethnicky chant' sa kanyang home made drums gawa sa milk cans at goma. tapos yung namigay ng sobre sasayaw ng ethnicky badjao/ifugao/whatever dance minsan kumakanta pa yung nagddrums. tapos ang sistema, ilalagay mo yung pera sa sobre. Bakit hindi ako naniniwalang members sila ng ethnic tribe? Pormang hip hop ba naman e. tapos yung iba nagtatagalog rap na..naghaharlem pa!



Pero hindi lang natatapos sa mga 'punas boys' ang mga dapat makabilang sa modern day criminals. Kasama din dapat dito yung mga barkers..iniisip ko kasi, wala naman talagang ginagawa tong mga to eh. ni hindi nga sila tumatahol. Pero kumikita sila ng 50 centavos hanggang piso kada isang pasaherong sasakay, ang sakin lang...sasakay naman yung mga pasahero kahit di mo kahulan eh. anong silbi mo? sabi nga ng isang sociologist eh 'pulubi with style' lang ang mga ito.

Maniniwala ba kayo na may mas worse pa? oo.. meron. Madali akong maiintindihan ng mga taong bumababa sa Abad Santos Station ng LRT. Sa mga bumababa dun..nagkakaintindihan na tayo, sa mga hindi pa. try nio minsan..pero ihanda niyo sarili niyo. Dahil pagbaba niyo (minsan nga nsa hagdan plng eh) may sasalubong sayo na isang katerbang tricycle driver, mangungulet at mananakot (oo , mananakot..prang sasakalin ka nila pag di ka sumakay e) para sumakay ka sa kanilang tricycle. Try nio minsan bumaba...pero do this at your own risk.

Nung bata ako sabi ko sana maging dagat yung harap ng bahay namin. dati kasi mahilig ako sa baha...hinde sa dagat pala..hindi ko naman alam nun na hindi ko makikita yung iba't ibang marine creatures sa ilalim ng baha e. Pero simula nung napalayo ang school ko sa bahay (grade 5 nagsimula un) nagkaron na ako ng hatred dahil sa 'Wet Socks Syndrome' kung saan ang mga taong nababasa ang medyas sa loob ng sapatos ay nagiging iritable at mahirap kausapin sa loob ng 24 hours. lagi ako nagaganito nung highschool ako. Alam niyo na ngayon kung bakit willing ako gumasta ng 20 pesos para lang di mabasa ang sapatos ko.

Before ako tuluyang sumakay LRT pauwi bumili ako ng masarap ng siopao sa ministop (sarao ng asado dito). at kumain habang naglalakad. Mahaba ang checking ng bag sa LRT, at pinagmasdan ko ang nasa tapat ko. Pinagtatatapon niya ang mga pinagkainan niya sa kalsada, tpos putak pa siya ng putak sa kasama niya kung bakt nagkakabaha. di niya ba alam na isa siya sa dahilan...? Hirap sa ating mga tao eh. Pag may pagkakataon na gumawa para kumita ng pera, handa tayong mamulot ng malaking bato, magpanggap na badjao at magsisigaw pra may sumakay sa PUJs. Pero pag kalikasan na, wala tayong effort. May human rights at animals rights db.. kung meron lang Earth rights, malamang kulong na tayo lahat, pati yung judge.



Gumising sana ang mga tao. Tikman ang lasa ng tubig sa maduming ilog, singhutin ang mausok na hangin at humiga sa tinambakan ng basurang lupa. Para marealize mo kung anong ginagawa mo sa lupa. Hindi mo ba naisip na kung hindi mo ginawa ang mga bagay na ginawa mo, wala sanang dumi,walang may sakit, walang baha, walang magsasamantala (yung mga binanggit ko kanina) at nakauwi sana ako ng maaga nang hindi nababas yung medyas ko! amf...,

Friday, April 17, 2009

Ligawing Bata

Hay. Matagal tagal na rin akong di nagkakaron ng girlfriend. Naalala ko tuloy, yung huli ko eh..April 18, 2008 niya ako sinagot, sabi namin last year icecelebrate namin yung date ng bonggang bongga kaso due to the cirucumstances, hindi pwede. Tsaka ayoko na rin, hindi ko deserve yung taong yun..masyadong mabait!

Anyways, naiisip ko na tuloy yung mga bagay ukol sa relationships. Sabi ng ilang surveys na nabasa ko 1 out 5 lang daw ang single men out of single women. Wow ang konti. Sabagay, bata pa lamang ay napakastrict na ng competition ng mga lalake, meron namamatay sa aksidente, sa sakit, sa tuli, sa away at sa iba't iba pang kagaguhan ng mga lalake. Pero ang masama dito, dahil kumakagat ang tinatawag na natural selection, ang mga pinakamalalakas, ang pinakatuso at minsan ang pinakapractical ang umaabot sa stages na pwede na silang mag reproduce (Bio mode on)....(Bio mode off), pero sabagay...iba iba nga naman ang diskarte ng mga lalake. Ano ano nga ba ang mga ito?


1. Si Poverty
- Pangalan pa lang mejo alam mo na diskarte ng mga ganitong lalaki. Sila yung ginagamit ang tinatawag na 'Maawin' reflex ng mga babae. Natural na maging maawin ang mga babae, sa hayop, sa insecto (?), sa halaman at sa mga hayop na lalake. Ang linya eh "Kasi nadapa ako", "Kasi may cancer ako", "Kasi pinako ako sa krus". Napaka low life ng dating. On top of that, sila yung tipong pag hindi sinagot ay nagtatransform mula sa mapaawa patungo sa mapait.


2. I am Legend
- Sila naman yung tipong "Nagawa ko na to..." kind of guys, ubod ng yabang at parang di mo na alam kung paniniwalaan mo ang mga pinagpuputak nila. Sample : "Nakapunta na ako sa space eh", "Nakakalipad ako", "oo..ako si batman"


3. Ginoong Passive
- Alam mo na tong mga tipong to. Anjan si Crush/Nililgawan...pero hindi niya papansinin! Akalain mo! Pogi?! Sila yung tipong hinihintay na mag first move ang nililigawan o sila yung mag approach ng usapan. Sila din yung tipong nababasted ng di nila namamalayan...passive eh!


4. Gold Digger
- Kung iniisip niyo eto yung tipong nanliligaw ng sobrang yaman, nagpapauna na ako. Mali ang iniisip mo. Si Gold Digger ay ang lalaking ang diskarte ng ligaw eh maitatago natin sa simpleng terminong 'Pailalim'. Sila yung invisible kung dumiskarte. Di mo alam na nanligaw pala siya kay ganito o kay ganyan. Magugulat ka na lang sila na...o kapag wala na sila. O diba? Meron akong kilalang ganito eh. eto yung larawan nia (censored para di kilala)


5. Victorio Angasis
- Maungas ungas na diskarteng maton na ginagamit ang labis na kaangasan sa pangliligaw. Sila yung tipong idolong idolo si Binoy o si Cesar Montano. Yung babastos bastos at balahura kung magsalita at magiging malambot at mapagaruga pag napapahamak si babae...Too much PINOY action movies cgro ang problema ng mga taong to.


6. Gadget Boy
- Siya naman yung tipong hindi kayang dumiskarte ng harapan. Kinakailangan pa ni Gadget boy ang kanyang mga maasahang tools of destruction. Ang kanyang mga gadgets! Pwedeng Cellphone, PC, Laptop, Landline, name it. Sila yung mga taong sa text, chat o tawag lang malakas ang loob makipag kuskusang dila sa kanilang kinakausap pero tameme naman pag kaharap na ang nililigawan.


7. Kabute
- Eto yung pabugsu bugso sa pag approach. Minsan nanjan minsan wala. Sila rin yung tinatawag na opportunists (parang fungi talaga!) na nagaabang na walang boyfriend ang isang babae o di naman kaya ay nagkaraon ng heartache o away. Tsk tsk tsk.. Wag tutularan si Toadstool!


8. Friendster
- Maraming kaibigan. Maraming katukayo. Maraming barkada. At hindi siya ang manliligaw sayo, sila. Oo. Kaibigan ang bahala sa diskarte, darating na lamang siya para kainin ang tinanim, sinaka, sinaing at hinain na kanin. Malas nga lang pag nainlove yung kaibigan niyang nanliligaw para sa kanya.


9. Frog Prince
- Siya naman si Boy Pangako. Ang linya niya eh "Magbabago ako pag naging tayo na" , "Popogi ako pag nahalikan mo na ako", "Mag-eevolve ako patungo sa pagiging tao sa pamamagitan ng yakap mo". Sila yung ipapabatid sa inyong mga babae, na pag sila ang pinili niyo eh..magiging turning point kuno sa buhay nila ang pagsagot niyo sa kanila. Babala lang. Baka pag iniwan niyo sa ere eh awayin kayo ng nagwawalang palaka.


10. Black Mamba
- Sa mundo ng mga hayop, ang Black Mamba ay isang uri ng ahas na labis ang aggressiveness at kamandag. Isa rin sila sa mga ahas na may pinaka mabilis na movement speed. So anong madededuce nating sa lalakeng Black Mamba kung dumiskarte. Walang paligoy ligoy, direct to the point ika nga. Agresibo, "Rarr" ang kanyang motto. Mabilis ang kamay at makamandag ang mga kilos..So to put it simple...Manyak..


11.Barbaero
- Barbabaero-Barbabaero. Ang kantang sabi niya na nababagay sa kanya. Babaero kuno. Na ipapakita pa sa babae ang naka line up na litrato ng babae sa kanyang wallet. At ang banat eh "Para sayo lilimutan ko silang LAHAT (100 na pics nasa wallet)". Sila rin yung tipong ang mode of diskarte ay pagseselosin ang babae para mapalapit sa kanila..too much PINOY teen flicks naman ang sakit nito.


12. eX-Factor
- Knukwnto naman nito ang lahat ng ukol sa mga naging ex nia. Kung pano siya kinawawa o kung gaano sila kasaya nung ex niya. Ang layunin? Pag ung kinawawa, para kaawaan, para sagutin. Pag yung kasiyahan, para pagselosin ang babae at para mag karon ng kompetetiveness ung babae sa ex ni lalake. Tsk. Ugali nga naman!


13. Artista
- Napanood mo na yung 'My Sassy Girl' o '50 first dates'? Si artista, gagayahin lahat yun. Sila yung tipong kumukuha ng tips sa diskarte sa mga pelikulang napapanood. Feeling nila pelikula ang mundo. Cute na sana eh. Kaso walang originality.


14. Pudge the Butcher
- Naglalaro kb ng Dota? Kung oo..kilala mo si Pudge at ang kanyang meathook. Sa hindi naglalaro ng dota, yung meat hook ay ginagamit upang mahila ang kahit anong character sa mapa sa isang range patungo kay Pudge. Ang moral lesson? Sila yung mga SULOT! Galit ako sa mga lalakeng ganito (kasi biktima nila ako sa isa kong niligawan). Dapat sa kanila ilibing ng buhay, tutal undead naman sila eh. Ayos din sa diskarte, panget nga lang.


15. Prince Charming a.k.a. Mr. Perfect
- Ang mangliligaw na hindi nag eexist. Sa libro, sa imahinasyon at sa pangarap lamang nabubuhay. Di ko sinasabi na walang taong ganito ah. Ang sinasabi ko lang eh hindi siya nabubuhay sa mundo natin, o? fair enough.

Kaya kayong (tayong...ehem) mga lalake, ayusin natin, isa sa lima ang ratio. Bawas pa natin ang mga naiiba ang landas (mga nagiging bakla). Konti na lang tayo, wag magaagawan (wag maging Pudge?) at siyempre wag mangliligaw kung di naman talaga mahal. Hindi for fun ang pagmamahal (naks!), kailangan nito ng dedication, TRUST™ at commitment. Sa mga babae naman, kung hindi man si Prince Charming yang nanliligaw sayo (gaya nga ng sabi ko..hindi totoo si Mr. Perfect), eh kung nararamdaman mo namang seryoso at mahal ka eh..pagbigyan mo na. Watch out lang kay Black Mamba.

Tuesday, April 14, 2009

Dreadays



Binati ako ng masusungit na gwardiya. Pero nang malaman nilang alumni ako, parang mga coins na umikot sa kabilang kara. Mabait at magiliw na ang pakikutungo. Habang naglalakad ako papunta sa bagong lugar ng registrar, unti unti akong nag recollect. mga nilakaran namin noon, tinambayan. Habang tumutugtog ang graduation song (graduation sa friday. wednesday ngaun) naalala ko ang mga napagdaanan ko dito. Sira na yung Shed na tambayan namin, iba iba na ang lugar ng mga departments, un prin ung staff ng college of science. Parang ang sarap mag aral ulit dito. Parang ang sarap ulit gumradweyt.



Nang nakuha ko na ang transcript ko, nireview ko ang mga grades. kita ko kgad ung mga highlihts. anjan ang tumataginting na Mogul Kahn (the Axe) sa 2nd sem ng first year . Pero thankful din ako kasi kung di dahil sa palakol na yan ay hindi kami magiging close ni Mam Amarillo.
Anjan din ang 1.25 ko sa Intesive English na hindi ko alam kung san kinuha ng so called "well-educated" professor namin na hindi pumapasok, sa 13 going on 30 lang ata nakuha yung grade eh, kasi yun lang ung naalala kong ginawa namin talaga. andito rin ung 2.0 sa Organic Chemistry na typo lang daw, kasi 5.0 DAW talaga dapat yung grade ko ayon sa mga BITTER na BITTER kong mga kaklase. At siyempre ang Thesis ko, 1.75. 1.0 dapat kaso tatlong beses ako nag baklas (di ko rin alam kung san nakuha yung sistema na yun and adviser ko ay si mam. sabe...so...it figures) Pero sa lahat ng sems ciempre hindi mawawala ang oh so lovable na 3.0. Eto usually yung trend ng grades ko

Prof. Eileen Vitug PhD - MGA 3.0..ewan ko ah. parang sa Ecology lang ata ako hindi 3.0 sa kanya

Prof. Fe Corazon Jacinto - Di ko alam kung san nanggaling pero parati akong 2.25 sa kanya.

Prof. < > Saberola - Ang pinakamababang grade na maaring makuha ko sa kanya ang 3.0, may deal kasi kami na bibilihan (siya gagastos) ng ulam kada lunch para ok lang ako matulog sa klase nia. hahaha

alam nio ba? estudyante pa lang ako, part na ako ng faculty. lagi ako nandun...bakit?
- Tiga bili ng Red Tea ni Mam Jacinto
- Tiga bili ng ulam ni Mam Saberola (BAWAL ANG PORK!)
- Tiga tanong kung walang professor
- Tiga salo ng suspension galing kay Bernadette Sacop ng registrar dahil sa kaingayan ng barkada



Pero isa sa pinaka the best eh ang barkada ko. sino bang di mababaliw sa mga to. iba iba sila, may babae, may lalaki-minsan, at may lalaki-daw.. wag guilty. haha pero isa sa pinaka close ko sa tropa ay si anne.



Si Anne ay hindi namin ka batch, at kaya lamang namin siya naging kabatch dahil mejo nadiskarel ang lakad ni anne (nagkamali ng bilang) at naospital makalipas ang siyam na buwan. PEACE ANNIE.

Kaya nung inaya ako nito kahapon, eh hindi ako nag atubili na sumama, tropa ko to eh.
ganda nga ng chat namin eh

anne baello (4/14/2009 2:53:29 AM): busy k bukas?
makigarcia (4/14/2009 2:53:29 AM): o?
makigarcia (4/14/2009 2:53:32 AM): bkt?
anne baello (4/14/2009 2:53:46 AM): samahan mko antipolo
anne baello (4/14/2009 2:53:50 AM): check ko lng un resort
makigarcia (4/14/2009 2:53:55 AM): rizal?
anne baello (4/14/2009 2:53:57 AM): la ko mahagilap n kasama e
makigarcia (4/14/2009 2:53:57 AM): hmm..
makigarcia (4/14/2009 2:54:00 AM): wat time/
anne baello (4/14/2009 2:54:01 AM): tra tra
anne baello (4/14/2009 2:54:06 AM): 7am labas ko
makigarcia (4/14/2009 2:54:15 AM): 8am training ko
anne baello (4/14/2009 2:54:20 AM): ng ano?
makigarcia (4/14/2009 2:54:33 AM): medical transcripitonis
makigarcia (4/14/2009 2:54:34 AM): t
anne baello (4/14/2009 2:54:38 AM): putik
anne baello (4/14/2009 2:54:39 AM): weh
anne baello (4/14/2009 2:54:48 AM): seryoso?
anne baello (4/14/2009 2:54:50 AM): san yan?
makigarcia (4/14/2009 2:54:58 AM): oo
makigarcia (4/14/2009 2:55:05 AM): acsat scholar ako
anne baello (4/14/2009 2:55:56 AM): ah
anne baello (4/14/2009 2:55:59 AM): nice nice
anne baello (4/14/2009 2:56:05 AM): mukang ako lng magisa lalakad
anne baello (4/14/2009 2:56:08 AM): maliligaw ako nyahaha
makigarcia (4/14/2009 2:56:21 AM): mga tanghali
makigarcia (4/14/2009 2:56:24 AM): malapit lng un db?
anne baello (4/14/2009 2:56:30 AM): nid ko tulog e
makigarcia (4/14/2009 2:58:20 AM): aw
anne baello (4/14/2009 2:58:39 AM): ngaun kaya
anne baello (4/14/2009 2:58:40 AM): wahahha
anne baello (4/14/2009 2:58:44 AM): crazy idea
makigarcia (4/14/2009 2:58:49 AM): ngaun..
anne baello (4/14/2009 2:58:50 AM): pero kung appatulan mo cge
makigarcia (4/14/2009 2:58:53 AM): hmm.
makigarcia (4/14/2009 2:58:56 AM): lbre molahat?
anne baello (4/14/2009 2:59:01 AM): uu
anne baello (4/14/2009 2:59:36 AM): eto kc un e
anne baello (4/14/2009 2:59:38 AM): http://www.bosayresort.com/pools_1.htm
makigarcia (4/14/2009 2:59:50 AM): san ba daan?
anne baello (4/14/2009 2:59:57 AM): sabi kc
anne baello (4/14/2009 3:00:08 AM): shaw tas may jip papuntang antipolo church
anne baello (4/14/2009 3:00:14 AM): tas dun tricycle
makigarcia (4/14/2009 3:00:22 AM): hmm
makigarcia (4/14/2009 3:00:27 AM): kaya ng ilang minutes?
makigarcia (4/14/2009 3:00:30 AM): punta ka d2 smn
makigarcia (4/14/2009 3:00:33 AM): wlang wala akong pera e
anne baello (4/14/2009 3:00:44 AM): wahahahhaa
anne baello (4/14/2009 3:00:56 AM): 3 hrs cguro
makigarcia (4/14/2009 3:01:04 AM): 3 hours?
anne baello (4/14/2009 3:01:07 AM): balikan
makigarcia (4/14/2009 3:01:10 AM): aaaaaah
makigarcia (4/14/2009 3:01:11 AM): puta
makigarcia (4/14/2009 3:01:17 AM): kala ko anim na oras tau
makigarcia (4/14/2009 3:01:19 AM): amp
anne baello (4/14/2009 3:01:20 AM): kaso wala p rin akong tulog
makigarcia (4/14/2009 3:01:22 AM): haha
anne baello (4/14/2009 3:01:24 AM): huhuhu
makigarcia (4/14/2009 3:01:25 AM): aus lng yan
anne baello (4/14/2009 3:01:59 AM): ngaalala pa c papa e
anne baello (4/14/2009 3:02:09 AM): baka d daw kayanin paakyat amp
anne baello (4/14/2009 3:02:12 AM): kaya gusto ko check
anne baello (4/14/2009 3:03:50 AM): long distance call n b pag antipolo?
makigarcia (4/14/2009 3:22:55 AM): ano plano mo
makigarcia (4/14/2009 3:22:57 AM): uu
anne baello (4/14/2009 3:23:06 AM): pinagiisipan ko
anne baello (4/14/2009 3:23:15 AM): hmmmmmmmmmm
anne baello (4/14/2009 3:26:44 AM): kelangan ireserve un cottage
anne baello (4/14/2009 3:26:47 AM): ano kaya?
anne baello (4/14/2009 3:26:49 AM): hmmmmmm
makigarcia (4/14/2009 3:26:55 AM): ok lng
makigarcia (4/14/2009 3:26:58 AM): sunduin m nga ako d2
anne baello (4/14/2009 3:27:55 AM): cge teka ligo ako
anne baello (4/14/2009 4:11:03 AM): tra..kita tau abad santos
makigarcia (4/14/2009 4:11:09 AM): ngaun na?
makigarcia (4/14/2009 4:11:13 AM): amp..
anne baello (4/14/2009 4:11:13 AM): uu tae
makigarcia (4/14/2009 4:11:18 AM): txt txt nlng.
anne baello (4/14/2009 4:11:19 AM): byahe p nmn ako e
makigarcia (4/14/2009 4:11:21 AM): wla kb txt
makigarcia (4/14/2009 4:11:27 AM): di pko nliligo
anne baello (4/14/2009 4:11:32 AM): txt kita pag lapit n ko dun
anne baello (4/14/2009 4:11:47 AM): maligo k n amp
anne baello (4/14/2009 4:11:54 AM): geh alis n ko

ayun. 3 hours. bale aalis kami ng 5 tpos stay sa resort ng mga 30 minutes, 8:30 nasa bahay nko!

April 14, 2009 : 8:30 PM (nagsasalita si Maki sa isip niya)
-Wala na akong nakikitang kabihasnan. ayokong magpakita ng takot kasi baka lalo akong pagtripan. kaso puro talahiban na nakikita ko kaya mejo kinakabog na eh. Sana makita na namin ang dulo ng walang hanggan....

Bale ayos din. 11:30 ako nakauwi, ilang oras lang naman ang byahe eh. 3 hours lang. 3 hours papunta. amp.




TANDAAN!
Hindi lahat ng nakikita sa mapa ay tama. kung maikling linya lamang ang pagitan ng dalawang lugar sa mapa, nililinlang lamang kayo nito!

Pero ok naman. at least nakauwi. tsaka libreng food, sulit din ung pagod. hehe..

Tuesday, April 7, 2009

Food Quest

Bad trip talaga mga government offices ngayon! Papupuntahin ka at papipilahin ng pagkatagal tagal (hanggang tubuan ka ng bigote't balbas at maging uugod ugod na matanda ka na'ng tagal, oo...SUPERLATIBO!) pero para saan? Para sa WALA! Paiikutikutin ka, pagagalitan, gagawing kamote, at saan mauuwi ang lahat...Pababalikin ka sa ibang araw.

Kanina nasa Civil Service Office ako, mejo COMPIDENT na kasi successful yung unang lakad ko sa NBI (kumuha si maki ng NBI clearance kanina). Kaso kamalas malasan saktong lunch break nung nagawi ako sa Banawe Office ng CSC. Amp.. Tapos..napakatagal nila mag lunch, limang minuto isang subo. Nang matapos na, eh..aun sabi hindi raw pwede yung id picture ko na walang name tag. Bumababa ako sa pag-asang merong id picturan center sa harap ng opisina. Kaso, galit ata sa akin ang 'Government office gods' kaya minalas akong sarado ang piktyuran. Bad trip. So ayun, dahil sa masaya pa ang mood ko dahil sa tagumpay ko nung umaga, pumunta ako sa entrada ng Banawe para malaman na kailangan ko pang pumunta sa Welcome Rotonda.. Hiyang hiya na ako kay Janel dahil sobrang hassle ang naging pagpunta namin sa CSE. Ayun, pagbalik sa office, hindi prn pde ung picture ko. BADTRIP!

Pero habang naglalakad pauwi. Napagusapan namin ang ilan sa mga kinakain ng sambayanang pilipino (kasama na dito yung mga pintsik (pinoyinstik), pinpon (pinoyhapon), pinkoreano (pinoykoreno), pinarabo (pinoyarabo) at iba't iba pang uri ng "pinoy pinoyans". Eto ang ilan sa mga ito.


1. De Latang Instik
- oo.. de latang instik. di ko maintindihan ito nung una, sabi ni janel, parang spam daw na di mawari...kung alam nia lang na kinakain niya ang kaniyang kalahi! Ano pa ba ang pwedeng maging laman ng 'De Latang Instik'..ano pa? eh di instik! totoo lang ah...di naman natin nababasa yung labels nun e. ano bang alam natin kung mga laman ng tao na pinroseso para maging katakam takam na 'spam' like concoction yun...nag net ako...meron nga! Canned Chinese.....salad!


2. Spanish Bread
- masarap sa miryenda, agahan o di kaya naman ay sa kung anong pagkakataon lamang. masarap sa kape, sa milo o sa tubig. nabibili ito sa lahat ng panaderya sa buong kamaynilaan (parang wala sa nueva ecija eh...not sure ah!). At ang tawag dito ay...Spanish Bread (dum..! dum..! dum..! <-sinister music). Pero ang masama kasi, hindi naiisip ito ng tao...pero ang misteryo ng katakam takam na laman ng "Spanish Bread" ay malalaman natin sa pamamagitan lamang ng simple logic. Ano ba ang laman ng Monggo Bread...Monggo db? Ano bang laman ng Custard Cake..Custard db? eh ang spanish bread? OH HINDE! Spanish people ang laman nito! pinong pino at ginawang nakatatakam na mixture dahil sa sobrang dami ng asukal sa katawan ng mga espanyol...!


3. French Toast at French Fries
- Sabi nila, Itlog+tinapay+asukal+mantika walah! french toast. pero naitanong na ba natin sa ating mga sarili kung ano ang ingredients nito sa mga "authentic" french bakeries? ano nga ba ang sikretong sangkap para maging malinamnam ang mga french toast..hindi kaya..mga FRENCH?! at wag pa nating usisain ang mga FRENCH FRIES!

Imposible namang Patatas yun, eh...NAPAKAHAHABA!



4. Italian Pizza
- Pwede nating palampasin ang 'De Latang Instik' pati na rin ung 'Spanish Bread' Pero hindi ko mapapalampas to. Oo.. ang italian Pizza, meaty..maraming sangkap..sausages...ground meat (meat ng ano nga ba? HMmmmmm?!) at "mushrooms" kuno. pero isipin natin. nakakakita ba tayo ng Pintalians (Pinoy italians). Wala db... ngayon alam mo na kung ano ang tinitira mo tuwing umoorder ka ng Italian Pizza!

Monday, April 6, 2009

Bachelors of Bo. Obero reposted!

Eto ang mga Bachelors of Bo. Obrero, you may not know them pero sila ang mga pinaka astig not to mention pinaka sikat and gwapo sa buong tondo-caloocan junction. heto ang ilan sa kanila. kapit lang sa mga upuan nio...!




Robertson

Nickname : Rob, Nostrebor, Bert, Ikot, "manong"
Age: 23 (for the past 5 years na, naipit ata sa time space warp)
Field: Criminology (pulis?!)
Occupation: Student, soon to be PNP chief
Hobbies and Interests: Ragnarok, Dota, magpanggap na mas bata sa edad nia
Valued possessions: PC, tricycle (hahaha)
Risk Factor: Unknown Age.
Preferences: Maputi.maganda.MS, UWP <-assignment nio kung ano yan.
Lines: "Wala namang pagtatalo jan", "Yung pagmamahal at pagmamalasakit eh....naroon pa rin naman"
Skills:




















Leo


Nickname: Leo, Lei, Buda
Age: 25?
Field: Ewan ko. Babaerology
Occupation: Office worker, Binhi killer
Hobbies and Interests: Magpayo, ingatan ang cellphone
Valued Possessions: Cellphone, bracelet na bigay ni madel. Hahaha
Risk Factor: sikat bilang babaero
Preferences: dapat bata
Lines: “Time management”, “two and a half!”, “may aktibidad nga pla tayo”
Skills:












Yandrell


Nickname: Drell, Yandz
Age: 22?
Field: Engineering, Music
Occupation: Musician (mahilig mag "organ"
Hobbies and Interests: Mag "organ", skating (magaling mag skates)
Valued possessions: KORG, patilya
Risk Factor: Madaling mamatay due to hypertension (hahaha)
Preferences: Phoebe-like characteristics. (walang asar talo)
Lines: "amfreaky!", "di na nag eeXist tong daan na to!", "SOBRA NA EH!" *bogoom!*
Skills:













Mark

Nickname: Maki, Mak
Age: 20 (di halata, baby body)
Field: Biology, Veterinary Medicine
Occupation: Biologist, Future Veterinarian (ciempre pogi ung skn, ako ung may ari ng blogsite)
Hobbies and Interests: Dota, online games, net, txt
Valued possessions: Nokia 3310, sing sing na may engrave na 'Briliant'
Risk Factor: maliit, di abot ang matataas na bagay, Bitter
Preferences: maputi, chinita, maliit, sexy, baliw din.
Lines: "kung ano ano pinagsasasabi mo ah, lasing kb?"
Skills:


















Alvin

Nickname: Roy, Vin, Vinnie (hahah, cant resist)
Age: 18 (naks, batang bata)
Field: Chemistry (naks, pang matalino)
Occupation: Future Chemist (chemisis aasa)
Hobbies and Interests: Dota, online games, net, txt, Busty asians, bahoratology (hahaha)
Valued possessions: Nokia 6630 (na pinatago nia kay Kagawad Eric Cervantes)
Risk Factor: Naloko ni Kagawad Eric Cervantes
Preferences: MS (sobrang lalaki), UWP, Tan, Busty Asian (hahaha)
Lines: "ampoge", "mak! may ensau?!"
Skills:















Lester


Nickname: Ter
Age: 17 (may gatas pa sa ****)
Field: Nursery,,,nursing pla.
Occupation: Future nurse?
Hobbies and Interests: Lumamon ata, Fita spreadz, dota, online games, torrent movie files.hahaha
Valued Possessions: Nokia 3310, glasses
Risk Factor: Trash talkin bastard.
Preferences: hmm..... (walang pattern eh)
Lines: "di ako noob mak,,,," (hahaha)
Skills:














Image Hosted by ImageShack.us


Admiral

Nickname: Dial, Backs
Age: 22?
Field: Nursing
Occupation: R.N.
Hobbies and Interests: Maglaro ng domino, gumala sa gabi
Valued possessions: Ung domino blocks
Risk Factor: Mahilig magdomino/mah jong, Dial-baliw
Preferences: hmm.....(walang pattern eh)
Lines: "magagalet si *random names ng kapitbahay*"
Skills:
















Joseph


Nickname: Erap, Pareng Erap “king erap: hari ng mah-jong”
Age: 22?
Field: Criminology
Hobbies and Interests: Maglaro ng domino, magpayo na umiwas sa nakalalasing na inumin
Valued possessions: cap
Risk Factor: mahilig mag domino/mah-jong, mahilig magpayo ukol sa pag inom (hahaha)
Preferences: cousin ko .
Lines: "Pare/Mare!"
Skills:














Skill Descriptions




Shaolin Soccer Mastery (passive) : Pre-requisite ng module skills.



KARATE (active) – 1st stage module skill. Gumagana sa lahat ng situations. Kahit sa baril, arnis, balisong, kamao, shuriken, ice pick. Kaya lahat ng karate, karate lang.



Sense of Humor (passive) – 2nd stage module skill. Hindi maaring ipaliwanag ang tamang paggamit ng sense of humor upang mawagi ang puso ng babae



Itim na Dragon (active) – a.k.a. Itim na Kapangyarihan, ginagamit lamang sa life and death situations (ex. Ikakasal na ang iniirog), 3rd stage module skill.



Songger (passive) – kantatero, magaling sa music.



Innocence (passive) – katangahan na kaakit akit sa mga holdaper



Whirlwind (active) – kayabangan na daig pa ang super typhoon Sabrina



Time Space Warp – Edad na hindi nagbabago



Jazz – Special skill ni yandrell



Binhi Killer – Target lagi ang mga bata sa kanya



Bosogan – 360 vision pang spot ng mgaganda sa crowd



Hornygan – bilis ng mata at isip sa paghahanap ng pang “move-on” sa net



Manyakyou Sharingan – Kayang makakita ng weakspots o openings sa damit ng babae