Saturday, February 7, 2009

Studyante nomenclature

Sabi ko nga nung nakaraan. i will try. pero eto nakita ko sa aking obserbasyon at mahabang pagsusuri.

Iikot ang usapan sa mga tipikal. Tipikal na rakista, tipikal na kikay, tipikal na gangsta o emo.

Na paghiwahiwalay ko sila sa ibat ibang genus

Genus Rakista
Ah.. ang Genus rakista. kung saan nakabelong ang punk rockers, alternative rockers at emo punks. basta rocker dito sa genus na ito nababagay. lover of good ol' bad ass music ang mga ito. depende ang rock dependency at intensity level sa bawat species. at ito ay nahahati sa tatlo :


Rakista punk

Eto yung typical na magulo ung buhok na tila wala nang bukas. nakaitim minsan. naka chucks. naka bag na checkered o skull and crossbones. oo, sila ang mga punks. mahilig sa concert ng paborito nilang banda at tila baga'y obsessed na magaya ang kanilang mga iniidolo. maaring mag-evolve in time patungo sa pagiging Emo...scary..

Rakista alternatibo
Eto ung mga paborito kong music lovers. ang mga mahilig sa alternatives. di mapili sa kanta ng kung cno mang banda basta masarap sa pandinig...go lang. di katulad ng punks and emo na may obsessive loyalty sa paborito nilang mga banda. ang porma. usually ung normal lang. ung "fit" sa society at kadalasan ay makikita na may earphones silently listening to bad-ass music..

Rakista emo
Ang species ng rakista na ito, na madalas ay nageevolve mula sa punk rock ay isang variation ng tinatawag nilang "Gothic" sa ibang bansa. sila ung obsessive black wearing, crazy hairstyle (dito mo minsan madidifferentiate ang punk sa emo!) na talaga namang stand out. nakakalito minsan pag-ibahin ang emo sa punk kasi sobrang magkatulad. pero titigan mo ang buhok at wrists. eto ung mga tipo na nagpapakamatay pag nakarinig ng ultra-depressing songs ng narinig nilang banda (Sa mga emo jan, walang mag-rereact! na jessica soho na kau..hahA)


Genus Kolehiyala
Ang kolehiyala. typical na babae sa college campus. maganda, maporma..pero di lahat ganun, depende sa species.
Kolehiyala kikay
May make up kahit di kailangan at laging may baong pulbo, suklay at pabango. di mo maisasama sa kung saan saan. at higit sa lahat, mahilig sa kalbo! (ewan ko kung bkt)
sila ang mga kikay. Sila ung typical na bad girl attitude na usually dont live up with their grades..joke lng.. :P

Kolehiyala seryoso
babaeng ubod ng seryoso sa pag-aaral. walang time sa gimik, walang time sa tambay, walang time sa boyfriend! sila yung tipong di mo maaya kung saan saan o hindi mo maliligawan kasi ang pang laban nia lagi ay.."mag-aaral pa ako eh"

Kolehiyala feeling
Eto naman ung mga kolehiyala na mejo kikay level pero wala naman talagang karapatang mag-pakikay dahil sa pagiging "extremes" either mapayat o mataba pero one things for sure. hindi pang-kikay kasi...panget! sila ung usual na mga alalay nung magaganda, mahilig mag-maganda at overprotective sa kanilang mga kikay hosts Note: Parasitic

Genus Feelingkolehiyala
Genus Gangsta
Genus Geeky
Genus Extrimist
Genus Walangkinabukasan

2 comments:

Anonymous said...

wlangya ka!.. adik.. genus walangkinabukasan.. haha..

pangit man o maganda mang matatawag yung kahahantungan nila, counted pa din as kinabukasan yun..

Anonymous said...

makes sense