Bahala Na
Isa sa mga naibahagi sa atin ng mga Banyaga ay ang pagiging epektibo, ang nauukol sa karunungang koordinasyon ng pagpaplano at paggawa, at ang karunungan sa pagmamatuwid at napapanahong pagganap. Bagaman maluwat na itinuro dahil sa ating silanganang pag-uugali ng kawalan ng galang sa oras at kompiyansa, pagkawalang malay, ang pag-asa sa kaloob na pagsibol ng palay para ganapin ang kaukulan sa atin, saka pa lamang natin mapagtatanto na ang oras ay dapat isaalang-alang, na ang buhay ngayon ay malagnaw na naikakalat sa limitadong panahon, at dapat mag-agrimohonan at gamitin sa may kabuluhan.
Ang ating natatanging halaga sa gunitang ito ay sa buhay ng tao. Ang mala-kagawarang sistema ay nagpakita sa atin na kinakailangan nating magmalas ng kaagapan; na kapag dumating ang sweldo
sa karamihan sa atin sa mga takdang panahon ay hindi bago o pagkatapos, gastahin man ito sa agarang panahon, at ang ating pagiging mahusay sa pag-gamit ng oras ang makapagbibigay ng halaga sa ating kikitain.
Si Mang Doro ay nagsabong nitong umaga, kinakalinga ang kanyang talisaing manok panabong, baon ang perang kinita niya sa isang linggo at ang hiniram kay Aling Iska, tindera ng asin. Ipagpalagay na natalo siya na sadyang hindi maiiwasan at umuwing dala-dala ang patay na talisaing manok na nakabitin sa kaniyang kamay. Saan ngayon kukuhanin ang kakainin ng pamilya? At ang salaping inutang, paano mababayaran? Bahala na! Ano kaya ang mararamadaman ni Aling Iska kapag nalaman niyang hindi na maibabalik ang perang kinita niya mula sa pagtitinda ng asin? Bahala na! Ang lahat tuloy ng bagay ay inaasa na lamang sa bahala na, ang kawalan ng kakayahang araruhin ang sariling bukid sa oras, o sa sipon at lagnat, sa butas sa ating mga kubo, sa mga kamote sa bakuran, sa ating mga manok at baboy, sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin, sa kinabukasan ng ating mga anak.
Saturday, January 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
wow nag-update. sa wakas. haha
Post a Comment