Madalas sa mga usapang barkada; sa inuman, pag nakatambay o ung tamang kwentuhan lang habang wala pang professor, madalas nasisingit ung everyday ordinary asaran na maaring mauwi sa saksakan kung walang pasensyahan ang magkakaibigan (Aw.. nag rhyme). Pero hindi un ung punto ko. madalas sa asaran eh..nakakapagbitaw tayo ng iba't ibang salita na tinatawag ng marami bilang "banat". Ang depenisyon ng "banat" na ito ay mga phrases o grupo ng salita na maaring ihirit sa kwentuhan para lang may masabi. oo.. para masabi lang na nagsalita at madalas ay walang sense sa ilan ngunit minsan naman ay ubod ng dami ng sense (redundancy check!).
Ang tatalakayin ko dito ay ang isang sikat na banat ng marami ang : "Wala ka!"
Madalas ginagamit kung ang isang tropa ay
1. Walang pakisama (inaya sa inuman pero tumanggi, umuwi kagad kahit di pa naman uwian, hindi nagpakopya sa exam)
2. Walang lakas ang tropa (di makalapit sa crush, ayaw sumali sa inuurot nilang competition)
3. Kill Joy (di na kelangang paliwanag to)
Ngunit naisip ko..Yung terminong "Wala ka". Yung "Wala"... ano nga ba ang konsepto nito?
Imaginin mo ang isang baso ng tubig..tanggalin mo ang laman nito. wala ng tubig. pero pag tnanong ka "ano ang laman ng baso". Sasagutin mo madalas ay "wala"! pero isipin mo? mali db.. kasi meron pa ring lamang hangin un. molecules ng Oxygen, Nitrogen, Hydrogen,etc. pero sige, for the sake of argument. tanggalin natin ung mga air molecules. anong natira? wala...? mali! meron pa rin! ung baso ung pinangtakip. tanggalin din natin un. may natira pb? meron pa! ung ilaw. tanggalin natin un! kadiliman? meron pa rin! ung vacuum at kadiliman. tanggalin natin un. meron pa rin! ung mere concept na alam mong "wala" un. existence pa rin un. kaya kung iisipin ang "Wala" ay hindi kayang iproseso ng isip natin sapagkat ang wala ay wala. walang tao, walang isip, walang mundo, wala...
kaya kung hihirit, pagisipang mabuti! kasi, ung wala ka. sobrang..wala eh.! ultimate hirit na un! maaring gamitin ang mga sumusunod na alternatibo
1. "Tol. saprophytic bacteria ka!" - gamitin kapag walang lakas ng loob ang barkada, o di kaya naman ay may mga binabalak na immoral sa society!
2. "Ayokong gamitin ung terminong inutil eh...kaso nagamit ko sayo!" - kapag ang tropa ay mabagal kumuha o pumick-up ng bagay bagay gaya ng jokes
3. "Tol, Para kang gago!" - pag may binabalak na masama ang barkada gaya ng rape, arson, serial killings, bank robberies. pero kung kikita ka naman eh....
4. "Si
"Nothing, Nullity"
4 comments:
Brain damage to ah..
Wala ka..! WALA!
miss ko un banatan..hehe..nice one
banat banat,, daming ganun sa clase namin XD
Post a Comment