Monday, May 26, 2008

Mundo ni Maki

Aba. Matagal tagal din bago ko nasundan ung last post ko. Actually may nangyari kasi, kaya na feel kong mag post ngaun. Nakaainis na ang mundo ngaun. Dapat mundo ni maki nlng ang buong mundo. hahaha. Una sa listahan itong dyaheng mga natural calamities. di mo alam san nagmumula, di mo alam cno tatamaan, di rin alam kung san o kelan magtatpos. bilyong bilyong tao ang namamatay nang di man lang nila inakala na mamamatay na sila nung precise moment na un. kaya masarap mabuhay. lalo na pag malayo ka sa china.

ung gobyerno naman andaming reklamo sa kanila, pero kung tutuusin marami din silang reklamo. at sa palitan ng reklamo, wala namang nangyayari! turuan ng turuan, sisihan ng sisihan. hanggang maglaon, wal ding nanyari. marami naman cgrong mga politicians na magnda ung mga layunin nung cmula e. saka nlng naging kamote nung nakaupo na dahil na rin sa 'economical needs' nila. kaya di rin natin sila masisisi. ung mga mahihirap na hingi ng hingi ng tulong, bakit di muna nila subukan na magtrabaho. kesa kapag natapos na ang reklamo at di naintay ung reply e lalabas sa mga lansangan, mamamalimos, kakain ng basura and worse, mang-aagaw ng cellphone sa may tayuman habang malakas ang ulan tpos may kasamang mama na nakamotor...(mahirap nga ba mga to?)

meron akong nakitang snatcher sa quiapo kahapon. mali ung decision nia. na corner kasi cia ng mga pulis sa kabilang side ng 2lay. at sa matalino niang pagdedesisyon, bumalik siya sa lugar kung saan siya nang isnatch at naglakad patay-malisya. aun. gulpi sarado. huli kong narinig sa kanya 'SER! HINDI POHH!!!'

sa zoo naman pagdating ko. napakaraming dapat gawin. daming health concerns. gusto kong maging solusyon. pero masama rin ung masyadong idealistic. kwawa ang mga hayop na to pag nakakakulong mga PETA, pero mas kawaw sila pag pinakawalan! di nio ma maintindhan un!?

Pauwi sa jeep, mahal na ng pamasahe. otso na. parang kelan lng ung dalawampisong octagon ung binabayad namin ni mama sa jeep pag mamamalengke siya sa blumentritt. dun kami sa home along the riles. ngaun...mawawala na rin un. wala tlgang permanente.

pag uwi ko sa bahay, nabalitaan kong namatay ung kapatid ng katulong namin. nakita ko pa un. dinala ni mama sa bahay. nakakawa. may ovarian cyst formations. aun. txt ng txt. daldal ng daldal. di alam na mamamatay na cia. o nararamdaman ba nia kaya di cia nagkakakaen. ang bilis ng buhay. hirap sumabay.

......

No comments: