Thursday, March 6, 2008

Buhay kolehiyo

Para sa mga papasok pa lang sa buhay kolehiyo. Malamang kinakabahan na kayo sa mga mangyayari. Bagong buhay, bagong pag-asa, bagong kalokohan. Masaya naman ang college. Pero unlike sa highschool. Meron lang slight difference. Unang una, ung culture shock na mararamdaman nio eh, magdedepende sa school na papasukan nio. Proven and tested by experience na usually kapag public ang college na pinasukan mo, mas less ang culture shock unless na lng na galling ka ng ng private and vise-versa. In terms naman sa mga teachers or since college na, professors, hight namang mas approachable at kwela ang mga college profs, maliban nlng kung may SSCS (severe superiority complex syndrome).

Unang mapapasubo ang mga freshmen sa buhay kolehiyo ay ang pagpili ng sasamahan. Maaring nung highschool ka eh hard rock pankista ka or pure blood gangsta, pero usually sa college nagiiba ung preferences. Depende rin sa school. Halimbawa na lang sa PUP, overpopulated na ata sila ng mga emo. Mandidilim mata mo kakatingin sa mga itim nilang suot.

Papasok nrn lang dun sa usapang samahan eh, isa sa mga hindi mawawala sa mga colleges eh ung tinatawag nilang fraternities o pag sa babae sororities. Kailangang maging specific! Kasi iba ung gang sa frat. Merong mga frat na maganda ang background at meron naman yung kulang nlng gilitan ka ng leeg maging brods and sis mo lang sila. Sa mga nakita ko merong ilan akong nailistang mga methods of initiation:

  1. Whacking – eto ung pinakasikat na method sa hazing. Ewan ko kung meron pa nung ibang fraternities nito pero yung sinalihan ng tropa kong Med student, meron prn. Kala nga nila joke lng eh. Sila pa kasi gumawa nung sarili nilang palo-palo, “community work daw”. Aun masaya naman siyang umanib at nagpagulpi. Di nga lang siya makatae ng maayos ng ilang araw.
  2. Psychological torture – kung di pa sapat yung whacking eh meron namang mas masaklap na alternatibo, yung psychological torture. Maaring gawin sa iba’t ibang paraan. Either tatakpan ung mata mo at kung ano anong papahawak sau, or papaiyakin ka sa kahit anong paraan na possible sa pamamagitan lamang ng salita. Ayun. Pambaba ng pride daw. Pero ewan ko ah… nakakababa ba ng pride un. Mas pipiliin ko pa ata ung whacking kesa d2.
  3. Quiz Show – kung ano anong ipapagawa sau. Ayos lang masaya naman kung grupo kau. Pde saluhin ng batch representative ung kasama nia kung di na kinaya. Tataunungin din ng mga nonsense questions gaya ng “kung babaeng lamok lang ang nangangagat, ilan ang itinatagong daliri ko sa tenga kapag lumilipad ako sa LRT?”
  4. Sarap o Hirap – di ko lang sure kung totoo to. Pero merong mga local sororities na gnagawa daw eh papipiliin ung kanilang soon to be sis kung ano ang kanilang gugustuhin. Sarap o hirap. Pag sarap gang bang session ka sa mga ka frat mong lalaki, pag hirap gugulpihin ka’t pahihirapan. Ang binigay na example dito eh ung papatakan daw ng tunaw na kandila sa boobs….amp!! kandila?! Tunaw?!

Yun na lang sa ngayon. Magdodota na ako eh.

^^

3 comments:

Anonymous said...

waah!.. ako di ako excited pumasok ng college.. tinatamad na nga akong mag-aral eh.. tsktsk..

yung fourth method of initiation na sinulat mo, ginagawa yun ng halos lahat ng frat na alam ko sa skul namin.. nakakapangilabot no?.. buti kinakaya ng mga sikmura nila..

icpin mo, para lang maramdaman nila na kinikilala at tinatanggap sila bilang tao ginagawa nila yung mga ganung klase ng kaimoralan..

hainaku nga naman, ibang klase talaga ang takbo ng utak ng ilan sa mga kabataan ngaun..

pabulok na nga talaga ang mundo..

Anonymous said...

oo nga eh. life sucks. pero kailangan pa ring mabuhay eh.. hehe.. isa lang sagot jan eh. nung 1st time ko mag college, dami recruit skn....nu gnawa ko? Freelance all the way. u dont need orgs or frats to succeed in school. pero ciempre choice mu un ^^

Unknown said...

Financial Education is Better than Academic Education