Saturday, January 24, 2009

Ang konsepto ng "Wala"




Madalas sa mga usapang barkada; sa inuman, pag nakatambay o ung tamang kwentuhan lang habang wala pang professor, madalas nasisingit ung everyday ordinary asaran na maaring mauwi sa saksakan kung walang pasensyahan ang magkakaibigan (Aw.. nag rhyme). Pero hindi un ung punto ko. madalas sa asaran eh..nakakapagbitaw tayo ng iba't ibang salita na tinatawag ng marami bilang "banat". Ang depenisyon ng "banat" na ito ay mga phrases o grupo ng salita na maaring ihirit sa kwentuhan para lang may masabi. oo.. para masabi lang na nagsalita at madalas ay walang sense sa ilan ngunit minsan naman ay ubod ng dami ng sense (redundancy check!).

Ang tatalakayin ko dito ay ang isang sikat na banat ng marami ang : "Wala ka!"
Madalas ginagamit kung ang isang tropa ay
1. Walang pakisama (inaya sa inuman pero tumanggi, umuwi kagad kahit di pa naman uwian, hindi nagpakopya sa exam)
2. Walang lakas ang tropa (di makalapit sa crush, ayaw sumali sa inuurot nilang competition)
3. Kill Joy (di na kelangang paliwanag to)

Ngunit naisip ko..Yung terminong "Wala ka". Yung "Wala"... ano nga ba ang konsepto nito?

Imaginin mo ang isang baso ng tubig..tanggalin mo ang laman nito. wala ng tubig. pero pag tnanong ka "ano ang laman ng baso". Sasagutin mo madalas ay "wala"! pero isipin mo? mali db.. kasi meron pa ring lamang hangin un. molecules ng Oxygen, Nitrogen, Hydrogen,etc. pero sige, for the sake of argument. tanggalin natin ung mga air molecules. anong natira? wala...? mali! meron pa rin! ung baso ung pinangtakip. tanggalin din natin un. may natira pb? meron pa! ung ilaw. tanggalin natin un! kadiliman? meron pa rin! ung vacuum at kadiliman. tanggalin natin un. meron pa rin! ung mere concept na alam mong "wala" un. existence pa rin un. kaya kung iisipin ang "Wala" ay hindi kayang iproseso ng isip natin sapagkat ang wala ay wala. walang tao, walang isip, walang mundo, wala...

kaya kung hihirit, pagisipang mabuti! kasi, ung wala ka. sobrang..wala eh.! ultimate hirit na un! maaring gamitin ang mga sumusunod na alternatibo



1. "Tol. saprophytic bacteria ka!" - gamitin kapag walang lakas ng loob ang barkada, o di kaya naman ay may mga binabalak na immoral sa society!










2. "Ayokong gamitin ung terminong inutil eh...kaso nagamit ko sayo!" - kapag ang tropa ay mabagal kumuha o pumick-up ng bagay bagay gaya ng jokes

3. "Tol, Para kang gago!" - pag may binabalak na masama ang barkada gaya ng rape, arson, serial killings, bank robberies. pero kung kikita ka naman eh....

4. "Si nababaliw na ata eh!" - pag papalapit ang barkada sa kumpol ng kakaiba ang posture.

"Nothing, Nullity"

Friday, January 23, 2009

Ang bagong mundo ni Maki

Mag-uupdate ako ngaun kasi i found out na meron palang nagbabasa ng entries ko at naghihintay ng updates?! wow. imagine. hehe. na touch nga ako eh.

thanks sa supporta kaibigang christian (pang apat na pinakagwapo sa buong CVMAS at pang anim na pinakagwapo sa buong DLSAU) natouch ako na binabasa mo pala blog ko., pati nrn sa pizza..sarap..sarap ng libre. hehehe.

Gusto ko lang i-open ang tungkol sa aking tropa sa aking bagong paaralan, i never realized na u guys started growing on me like an uncontrollable case of fungus. hehe. ibig sabihin mejo labs ko na kau. hehe. nageenjoy nrn ako sa school especially kasi nagagawa ko ung mga stuff na di ko nagagawa sa PLM (kasi, maliit ang DLSAU..connection? bsta!)

aun..




eto pa pala.. ung pinakamagandang babae sa buong universe ni maki. grabe. kung alam mo lang gano kalakas ang tama ko sau ms marylou >_< kahit araw araw kitang serenade ggwn ko, haha.. pag nakikita kita parang nakalutang ako sa langit pero natatakot naman ako lapitan ka kasi lagi kang sorrounded ng maraming friends and fans. hehe..


(note: She's the one on the right..waaa ang cute nia)

(if ever na mabasa mo ito, sorry kung ninakaw ko pic mo..this is a blog afer all db? ha..ha..ha..)

un nlng muna..

try ko post ung ilan sa aking mga pinaplano in the next few days..

Maki out! ^_^

Saturday, January 10, 2009

Bahala na

Bahala Na

Isa sa mga naibahagi sa atin ng mga Banyaga ay ang pagiging epektibo, ang nauukol sa karunungang koordinasyon ng pagpaplano at paggawa, at ang karunungan sa pagmamatuwid at napapanahong pagganap. Bagaman maluwat na itinuro dahil sa ating silanganang pag-uugali ng kawalan ng galang sa oras at kompiyansa, pagkawalang malay, ang pag-asa sa kaloob na pagsibol ng palay para ganapin ang kaukulan sa atin, saka pa lamang natin mapagtatanto na ang oras ay dapat isaalang-alang, na ang buhay ngayon ay malagnaw na naikakalat sa limitadong panahon, at dapat mag-agrimohonan at gamitin sa may kabuluhan.
Ang ating natatanging halaga sa gunitang ito ay sa buhay ng tao. Ang mala-kagawarang sistema ay nagpakita sa atin na kinakailangan nating magmalas ng kaagapan; na kapag dumating ang sweldo
sa karamihan sa atin sa mga takdang panahon ay hindi bago o pagkatapos, gastahin man ito sa agarang panahon, at ang ating pagiging mahusay sa pag-gamit ng oras ang makapagbibigay ng halaga sa ating kikitain.
Si Mang Doro ay nagsabong nitong umaga, kinakalinga ang kanyang talisaing manok panabong, baon ang perang kinita niya sa isang linggo at ang hiniram kay Aling Iska, tindera ng asin. Ipagpalagay na natalo siya na sadyang hindi maiiwasan at umuwing dala-dala ang patay na talisaing manok na nakabitin sa kaniyang kamay. Saan ngayon kukuhanin ang kakainin ng pamilya? At ang salaping inutang, paano mababayaran? Bahala na! Ano kaya ang mararamadaman ni Aling Iska kapag nalaman niyang hindi na maibabalik ang perang kinita niya mula sa pagtitinda ng asin? Bahala na! Ang lahat tuloy ng bagay ay inaasa na lamang sa bahala na, ang kawalan ng kakayahang araruhin ang sariling bukid sa oras, o sa sipon at lagnat, sa butas sa ating mga kubo, sa mga kamote sa bakuran, sa ating mga manok at baboy, sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin, sa kinabukasan ng ating mga anak.