Thursday, July 8, 2010
Videoke Blues
June 08, 2010
Isa sa pinaka badtrip na araw ko. pakiramdaman ko, maliban sa sinipag ako mag notes ngayong araw na to. walang naging tama. pero salamat sa kalaro ko sa Garena...pinasaya mo ako kaibigan.
Mineski Room to...by the way :D
xx : taas ng ping mo!
zz : ungas, ikw mataas ang ping host.
xx : yoko na nga.
xx : jakol na lang ako....
xx has left the game
per going back. Pag nalulungkot ba tayo? ano usually ginagawa natin? ano ba yung masasabing nating nag hihit talaga sa sadness spots? yung iba sasabihin alak, wala nga namang tatalo sa alak + kwentuhan...pero may isa pang kulang...videoke! hand in hand yan. kaya kung ayaw mo ng alak. videoke + kwentuhan na lang. mas healthy...
Saan nga ba ang mga videoke? Mostly meron sa malls. Meron din sa mga likod ng eskwela. at meron din sa mga patay sinding ilaw na may mga babaeng hamog ang nagbabantay.
Isa sa mga natutunan ko sa Videoke ay ang mga sumusunod.
1. Magdala ng maraming pera - Aplikable lalong lalo na sa Time Zone kung saan lintek na pagkamahal mahal ng kanta. 18 pesos each ata? ginto? bakit kailangang magdala ng marami? kasi nakakaadik kumanta. haha
2. Ilista ang mga numero ng kanta - maganda kung mero kang mga fone na black and white, napaka efficient para sa trabaho na to.
3. May daya ang time zone videoke - walang load ang card? walang problema. bumili lang ng isang kanta, kapag naka play na, magpunch ng bagong number, wag start ang pindutin, pindutin ang 'program'. ayun. unlimited songs for the price of 1
4. Hindi totoo ang score ng Videoke - Wag na wag maniwala dito...walang totoong score to. wag gagamitin sa pustahan lalo na pag confident ka na mananalo ka dahil kamote ang boses ng katunggali mo. maniwala ka sa akin. matatalo ka.
Subscribe to:
Posts (Atom)