Sa dinamidami ng babae sa mundo, ano na nga ba ang nakilala mo? Merong maganda, merong pangit, merong mabait, merong masama ugail, merong sweet, merong bitter, madami. pero naitanong mo na ba sa sarili mo kung yung gf/ex/nililigawan ay isa sa mga ito:
Pero bago yun.
Chance: Gaano kataas ang chance mong mapasabi ang mala nata de cocong ‘oo’
Level 1 : Easy to get. 1 day ligaw lang. kaya na!
Level 2 : Bola-bolahin lang at magpakabait.
Level 3 : Moderate. Tama lang. mga 1 month ligaw. Dito nakapaloob ung True Love. haha
Level 4 : Semi moderate. Usually dito nakapaloob ung ‘na-inlove’ nlng tlga.
Level 5 : Mamamatay ka muna bago mapasagot, unless nlng fit ka sa preferences nila.
Irritation: Kung gaanong nakakairita ang babae. Bearable ba o hndi?
Level 1 : hindi nakakairita. Masarap kasama
Level 2 : tama lang. minsan nakakainis pero ok prn
Level 3 : may chances na maging nakakainis.
Level 4 : mataas ang chance na maging nakakainis
Level 5 : NAKAKAIRITA.
Heartbreak: Paano mo ihahandle ung break up, dump, etc.
Level 1 : ok lang makipagbreak. Malungkot pero masaya
Level 2 : tama lang. madaling mag move on
Level 3 : iiyak ka ng ilang araw
Level 4 : iiyak ka ng maraming araw/linggo/buwan/taon
Level 5 : magpapakamatay ka. haha
Evil: Kung gaano kasama ang babae. After all, hindi naman mapaparusahan si Adam kung hindi dahil sa Eve…uh….
Level 1 : mabuti ang kalooban, pure.
Level 2 : may konting kulo pero, semi pure
Level 3 : tama lang. well balanced ang ugalo
Level 4 : may pagkakataong masama ang ugali. Mas madalas ung sama ng ugali
Level 5 : EVIL TO THE CORE
ETO NA!
1. Collect and Select
> usong uso to lalo na dun sa mga pa hard-to-get girl next door types. yung todo ang mysterious effect. nang eentertain, nang aakit, pero bawal daw ma inlove. ang totoo dito ay nangongolekta cia ng marami para pag 'trip' na nia mag bf ay makakapili siya sa nakalap niang choices, parang chowking lang. madaming choices. madaming lauriat.
Level: 4
Level: 4
Level: 4
Level: 3
2. Kikay mania
> eto ung tipong maarte, nakakainis, pa social at sobrang vain pero lapitin pa rin ng lalaki. siya yung tipong kayang apak apakan ang ego ng sino mang nanliligaw sa kanya. maraming naiirita sa kanya, pati kapwa babae..! mapanlait siya pag di trip ang nililigawan o ang nangliligaw sa kapwa niya kikay. (note: madalas nahuhulog ang loob sa mga kalbong gangster types, ewan ko kung baket...hmm)nga pla... laging nakashades! artista! hahaha
Level: 5
Level: 5
Level: 3 (masisiyahan ka pang wala na kau)
Level: 3
3. Asokita
> eto ung tipong nagpapahabol pero basura pa rin ang trato sa naghahabol. di mo malaman ang tunay niang motives bat ginagawa un, gusto ka ba nia or talagang pinapahabol ka lang nia..? hanggang sa magkaron kna ng cosmic devolution at bumalik sa pagiging quadruped carnivore.
Level: 3
Level: 4
Level: 3
Level: 4
4. Paasantay
> eto ung paasa. inaasahan mong may aasahan ka dahil pinapakitaan ka niya ng pag asa pero di mo alam, asa ka lang. aun. minsan nakikipagpangakuan pa. (huwag reregaluhan ng hamster, hahayaan niya lang itong mamatay)
Level: 3
Level: 3
Level: 4
Level: 3
5. Timer
> eto ung common na timer, 2-timer, 3-timer, 100-timer na babae. maraming boyfriends. maraming choices. mahilig din ata mag chowking. pero unlike sa collect ang select, sinasagot nia ang mga ito para makuha ang full benefits.
Level: 2
Level: 3
Level: 1
Level: 4
6. Biatch
> madalas nakikita sa maraming public schools ngaun (no offense hehe). sila yung tipong lumalabas ng madaling araw. mga 1am ang gcng nila. maglalalakad kung saan saan , sobrang iikli ng suot, kita na kaluluya, at maiingay sila. sila yung tipong maririnig mo sa madaling araw na nagsisigawan or nagaaway sa daan. lasing o hindi, parang lasing! haha. maiingay ang mga bibig nila. at merong skill na tinatawag na 'chain mura'.
Level: 1
Level: 5
Level: 1
Level: 5
7. Koboy
> masayang kasama, parang maton. hindi tomboy pero ugaling lalaki. favorable sa lahat. mabait, makulet, packed in a single package. boy preferences ay nagvavary. mas masarap maging kaibigan kesa maging gf.
Level: 3
Level: 1
Level: 3
Level: 2
8. Music freak
> Mahilig sa sounds. usually nasa extremities. hard core level or classical level or jazz level. extremes. magkakasundo kau kung marunong kang mag play ng instrument, lalo na ng 'organ'. haha
Level: 5
Level: 3
Level: 2
Level: 2
9. Fee Ling
> feeling nia maganda cia, feeling nia pinagtitinginan cia ng lahat. oo cia ung merong mild schizophrenia at paranoia. siya ang lumalapit sa lalaki, pero feeling nia cia ung pinagkakaguluhan. nakikipag away siya dahil sa mga issues na to. oo. baliw cia.
Level: 1 (liligawan mo ba ganito?)
Level: 4
Level: 2
Level: 2 (di naman siya evil eh. Assuming lang)
10. Pandora
> eto ung sobrang mysterious na hindi ma explain. or in other words.. weird. cia ung nasisiyahan sa mga bagay na hindi ikinasisiya ng iba (ex: pag-aaral....) nakakakilabot. pero merong certain aura na nakakaattract.
Level: ?
Level: ?
Level: ?
Level: ?
11. Otaku
> merong obssesive interest sa anime at manga. feeling nia kasama cia sa mundong iyon to the point na ginagaya nia ang mga reactions ng mga anime characters! mga kilos at galaw. weirdo rin. pero nakakatuwa...sometimes. mas lamang minsan ung nakakainis. lalo na kung hindi naman kagandahan. hindi bagay. aun.
Level: 3
Level: 1 (kapag maganda), 5 (kapag panget)
Level: 3
Level: 2
12. Lieathon
> hindi inaamin na may boyfriend, either dahil a: panget ang bf ,b:mahirap ang bf, c: hampas lupa ang bf, d: gusto ng ibang bf pero di maiiwanan ang bf. aun. di cia nageentertain ng manliligaw. tinatrato niang 'besfriend' ang lahat. note: usually attracted sa mga wlang pinagaraln, hampas lupa types. matatalino usually ung mga ganitong babae. ashamed lang.
Level: 5
Level: 5
Level: 4
Level: 4-5
13. User friendly
> Friendly pag may use. user kapag friendly. aun. uubusin nia ang pera mo. uubusin nia kaluluwa mo. pag tinanong mo kung kayo nb, matuturo cia ng bibilin. bilmoko ang ugali. aun. nakakainis. nakakaasar. mahirap ligawan,mahirap iwanan. cia ung bangungot ng lahat ng lalaki. at maraming katulad nia.
Level: 5
Level: 5
Level: 5
Level: 5
14. Pampalicous
> yung mga girls, kadalasan nasa early adolescent period, na sobrang expressive pagdating sa crushes nila. In other words…pampam!. isang batalyon ang crush nya at lahat ng tao sa paligid nya kilala kung sino sino sila.. super nakakairita na.. madali rin sigurong mapapa oo dahil sa taas ng kawindangan level nya.. Note: Madalas ay may dala siyang Slam book.
Level: 1 (di na ata nid ligawan, basta nasa list ka nia, pasok!)
Level: 4
Level: 1
Level: 2
15. Cam Whore
> eto ung hindi na nagsawa sa mukha nia. Picture dito, picture jan., kala mo mawawala ung mukha nia kaya gumagawa na ng maraming kopya. Madalas pinopost nia ang mga ito sa friendster account nia. 500+ na ung photos ng sarili niang mukha eh….di prin cia nagsasasawa! Meron yatang severe personal apprearance obsession…
Level: 3
Level: 4
Level: 2
Level: 2
16. Flavor of the Month
>AKA Flavor of the week/day. Siya yung tipong walang kahilig hilig magpalit ng bf/ineentertain na manliligaw (SARCASTIC TONE). Malalaman mo ito sa friendster account nia na tadtad ng iba’t ibang comments. Iba ibang lalaki per day/week/month.
Level: ? (walang actual figures dito)
Level: 5
Level: 5
Level: 4
17. Icy Manipulator
>siya naman ung tipong cold treatment, pero sa hindi malamang dahilan, gagawin mo ang lahat para sa kanya! Kaya ka niang patamblingin o tumalon sa poste kung nanaisin nia. Ang masama, di xa nagbibigay ng ‘love in return’. Kaya kaw din ang kawawa
Level: 5
Level: 3
Level: 3
Level: 4-5
18. Dark Archon
>sa mga naglaro ng starcraft noong araw, alam nio cgro ang Dark Archon, isang entity na nilikha ng pagsasanib pwersa ng 2 Dark Templar. Meron itong skill na tinatawag na Mind Control. Kung si icy manipulator ay kayang mag persuade sa pamamagitan ng ‘cold treatment’, ang mga babaeng ‘Dark Archon’ ay may kapangyarihan na ipagawa ang lahat sa bf/nanliligaw sa kanila. Total control, daig pa ang Imperio!
Level: 5
Level: 5
Level: 3
Level: 5
19. Maiden in Distress
> eto naman yung tipong parang naghahanap lagi ng tulong. Oo, siya ung merong over-emotional shout out sa friendster. (ex: I need someone, Help me pls, d2 na me wer na u). tila baga’y naghahanap ng kalinga. Usually magsasabi ng problema sa bagong victim, at pagnagkaproblema dun, hahanap ulit ng bago at tuloy ang cycle.
Level: 2
Level: 4
Level: 4
Level: 3
20. Tiborcia
> eto naman ung kunwari tomboy. One of the boys ika nga. Siga siga na malagangsta ang porma. Usually mataba at kulang sa social life. Pero pag may nang-ahas manligaw, wala pang 5 seconds, sagot kgad…!
Level: 1
Level: 3
Level: 3
Level: 2
21. Tibopuro
> purong tibo.. bawal ligawan. Bawal taluhin. Kung ayaw mong masaktan…literally. Magaganda usually mga ito na may bad experience sa lalaki, or talagang may genetic disorder lang. magaganda ang ibang tibo, kaya nakakapanghinayang. Pero…kwela cgro mga to pag napasagot.
Level: 10
Level: 5
Level: 4
Level: 3
22. Mudra’s girl
> yung mga mama's girl, na kahit saan pumunta kabuntot si mama.. pag ayaw ni mama wag mo ng ipilit pa.. kung gusto mo syang ligawan, ligawan mo si mama nya.. konting usap lang ng girl sa kahit sinong guy, sinasabihan na sya ng malandi ng nanay nya (in private syempre, pero pag natyempuhan mong bad trip yung nanay ipapahiya nya yung anak nya sa harap ng ilang tao).. ang yahoo mail nya, friendster at cellphone nya pinapakialaman ni mama nya.. magugulat ka na lang minsan na nanay na pala nya ang nakakausap mo sa cellphone at indi na sya.. kadalasang nangyayari sa mga unica hija na galing sa mayamang pamilya.. yung nanay ay kadalasang may kapatid sa labas.. manhater ang nanay dahil sa kasalanan ng tatay nya.. yung kasalanan ng tatay nya binubuntong nya sa lahat ng guyz.. bawal I date tong mga to. Pde cgro pero kasama ung nanay.
Level: 5-10
Level: 6
Level: 4
Level: 1
23. Syota ng Bayanet
> eto naman yung maraming boyfriends sa internet, pero walang totoong boyfriend. merong taga US, Zimababue, Africa, Antartica, Mars, Pluto, madami. pero matanong mo pagnameet na nia sila? magkukwento ng iba. usually eto ung magaganda sa cam...lang. NOTE: Napakarami niyang friendster views and comments. maduduling ka kakabrowse. puro love quote thingies.
Level: 1 (sa net)
Level: 5
Level: 1
Level: 3
Tnx kay clariz (clang clang) sa additionals. Female point of view kita. hehehehe
MERON ka pa bang idadagdag? i commment mo lang! ^_^
Sunday, March 30, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)