Saturday, January 4, 2014

Bulokero

Sa totoo lang naiinis ako kapag tinatagalog yung mga mainstream cartoons and movies (pasintabi sa mga local tv stations na hindi ko pinapanood....LAHAT). Gets ko pa pag mga anime, japanese yung mga yun eh. Pero yung english...?! Bakit. Ganun na ba kabobo mga tao dito na hindi na naiintindihan yung takbo ng kwento pag di tagalog. Example. Spongebob. Dito ako pinaka nairita. TAGALOG na spongebob squarepants. Kinakabahan ako baka isunod nila adventure time.

Sa callcenter ako nagwowork, i am not ashamed of it. Natuto ako magbasa dahil sa komiks (funny komiks actually), dahil gusto kong maintindihan mga sinasabi nila combatron, pinilit kong matutunan ng mabilis ang pagbabasa. Natuto ako mag english kakanood ng mga pop eye, sesame street, xmen at iba pang cartoons noong 90's. NATUTO ako. Try mo mag apply ngayon sa call center baon yung spongebob scripts mo ng tagalog tignan natin kung matanggap ka. Pero mas nakakainis pag ginagawang movie yung mga magagandang libro. Para kasing lalong tinuturuan ang mga kabataan dito saten na wag ng magbasa, panoorin na lang. Ang nonsense lang.

 Kaya ang tataba ng mga kabataan ngayon (nagsalita eh no), kasi wala ng larong kalye. Kaya ang talamak na teenage pregnancy ngayon dahil sa barbie forteza at daniel padilla. Patubo pa lang dibdib at wala pang facial hair puro ligawan na inaatupag. Kaya bastos mga kabataan ngayon kasi nakikinig sila sa idol nilang si vice ganda. Kaya mababa moral standards ng mga tao ngayon dahil sa kakanood nila ng My husbands lover. At kaya bihira na ang mga kabataan ngayon na ginagamit ang utak nila kasi kaunti na lang ang nagbabasa. Back to topic, kaya mahina sa English ang mga bata ngayon kasi pinagtatatagalog niyo yung mga dapat english.

Masarap magbasa at masarap matuto. Bulok talaga kultura natin.


Thursday, July 8, 2010

Videoke Blues


June 08, 2010

Isa sa pinaka badtrip na araw ko. pakiramdaman ko, maliban sa sinipag ako mag notes ngayong araw na to. walang naging tama. pero salamat sa kalaro ko sa Garena...pinasaya mo ako kaibigan.


Mineski Room to...by the way :D

xx : taas ng ping mo!
zz : ungas, ikw mataas ang ping host.
xx : yoko na nga.
xx : jakol na lang ako....
xx has left the game

per going back. Pag nalulungkot ba tayo? ano usually ginagawa natin? ano ba yung masasabing nating nag hihit talaga sa sadness spots? yung iba sasabihin alak, wala nga namang tatalo sa alak + kwentuhan...pero may isa pang kulang...videoke! hand in hand yan. kaya kung ayaw mo ng alak. videoke + kwentuhan na lang. mas healthy...

Saan nga ba ang mga videoke? Mostly meron sa malls. Meron din sa mga likod ng eskwela. at meron din sa mga patay sinding ilaw na may mga babaeng hamog ang nagbabantay.

Isa sa mga natutunan ko sa Videoke ay ang mga sumusunod.

1. Magdala ng maraming pera - Aplikable lalong lalo na sa Time Zone kung saan lintek na pagkamahal mahal ng kanta. 18 pesos each ata? ginto? bakit kailangang magdala ng marami? kasi nakakaadik kumanta. haha

2. Ilista ang mga numero ng kanta - maganda kung mero kang mga fone na black and white, napaka efficient para sa trabaho na to.

3. May daya ang time zone videoke - walang load ang card? walang problema. bumili lang ng isang kanta, kapag naka play na, magpunch ng bagong number, wag start ang pindutin, pindutin ang 'program'. ayun. unlimited songs for the price of 1

4. Hindi totoo ang score ng Videoke - Wag na wag maniwala dito...walang totoong score to. wag gagamitin sa pustahan lalo na pag confident ka na mananalo ka dahil kamote ang boses ng katunggali mo. maniwala ka sa akin. matatalo ka.

Sunday, June 27, 2010

Simpleng bagay ginagawang komplikado



Sabi nila..Life is a matter of choice, na walang permanenteng bagay, ang permanente lang daw ay ang pagbabago. May isang tangang lalake na lumaban sa prinsipyong yun, hanggang ngayon di pa tapos ang laban niya. Pero its a losing battle. Hindi kaya ng pentel pen ang time.

Bakit ba hindi nasisiyahan ang mga tao sa mga simpleng bagay lang? Yun tipong hindi na nangangailangan ng maraming paliwanag. bakit nauso pa ang mga taong Pame (joke lang pame ah).

Pero pinaka kumplikado na ata sa lahat ay ang emosyon ng tao. Mahirap basahin. Kahit anong galing ko sa Logic at Reasoning, pag emosyon na usapan. Null and Void lahat ng na analyze ko. Kahit kasi unreasonable na, pag pag-ibig, nagiging reasonable.

Pinaka mahirap magpayo sa mga taong matigas ang ulo, naka droga, naka inom, may personality disorders....pero pinaka mahirap sa taong nagmamahal. Kasi kahit anong ganda ng paliwanag natin, hindi papasok sa utak. Kinakain ng Endorphins at Oxytocin (may reference ako na responsible to sa love) ang reason at logic. at pag nangyari ang giyera na yun. talo parati si Logic.

Naglaro laro ako sa playlist ng lumang iPod ko. Taon na rin ang tinagal nito sa akin...hiram lang sa ate ko na hindi na nabawi dahil kinasal na siya (BWAHAHAHA, mine!). Eto ang ilan sa mga narinig ko na maaring ico-relate sa mga komplikadong sitwasyon.

Rebound

Wala na atang tatalo pa dito. Babaeng nasaktan ng isang ex, tapos papasok ang isang lalaki na ibibigay ang atensyon na hinahanap ng babae sa nawalay na ex, tapos kapag nasa peak na ng kaligayahan ang babae, ilalaglag ang rebounder na parang baso na hinulog mula sa 100th floor ng mataas na building. Lesson? Kung hindi magtagumpay na ang rebounder, mababasag siya ng bonggang bongga kapag nagkabalikan na ang babae at ang kaniyang 'ex'.


Bakit Ngayon ka lang

Bakit ngayon nga lang ba..? eh may iba na ako. Ang kanta para sa mga taong 'In a Relationship' na pero nakatagpo ng taong single at mas kumportable sa kanya. Usually nangyayari sa mga "pilit" couples. yung tipong naawa lang kaya sinagot o crush lang na nagpapansin kaya niligawan, kapag ang taong yun ay nakatagpo ng taong mas suited sa personality niya, ang hirap ng kalagayan. kasi pinakamasakit sa tao ang alam mong nakasakit ka ng ibang tao..maliban na lang kung masama talaga ugali mo.

Paano na kaya.

Nung una, asar ako sa kantang to. 1. Bugoy ang pangalan ng tumira...amp..bugoy.. isipin mo nga...what the hell name diba? 2. naging pelikula...wala na atang babaduy pa sa kantang ginawang pelikula at in the midst ng pelikula eh...mamemention yung title ng song. gawd... pero pakinggan mo ang lyrics kaibigan. nakakarelate ka ba? kaibigan pero nahulog ang loob, di mo masabi ang nararamdaman mo? bakit? pag sinabi mo, lalayo siya sayo. better shut up then... keep it to yourself...FOREVER!

Minamahal kita

Nakakarelate ang mga taong iniiwasan na ngayon ng mga taong sinabihan nila ng kanilang feelings. Ang resulta ng taong nangahas na labagin ang kanta sa itaas. hindi nagshut up.. nag i love you. take. ayun. basag. WAG TUTULARAN.

Iiyak na lang

Universal song ata ng mga taong emo dahil sa "nakaraang pag-ibig". ano pa nga ba ang pwedeng gawin. magpakamatay. no way. losers do suicide. ang mga winners na natalo..umiiyak ng taas noo. hahaha..

Migraine -

Asan ba ako sayo? Hindi naman tayo ah.. haha. Need to explain pa ba? Lesson? wag magdemand sa taong hindi sayo. period.

Ipagpatawad mo

Bakit nga naman kasi..ang ikli pa lang ng panahon, sasabihin mo kagad, mahal mo na. may mga taong nagsasabing love transcends time. na hindi naman factor yung tagal ng pagkakakilala para mahulog ang loob sa isat isa. na merong such thing as 'love at first sight'..the hell.. sabi ko nga diba... reason is devoured by love. no match ang laban

Somewhere down the road

Timing is everything. sabi sa isang manga na nabasa ko. pag mag coconfess ka ng pagibig sa isang babae (o lalake?! haha) dapat iconsider mo ang timing. nariyan na ang lugar at scenario. pero timing is still important. pero ano nga ba ang nangyayari kapag may dalawang taong na inlove sa isat isa sa maling panahon, samantalang napakatama ng kanilang pag ibig sa isat isa. magagawa nga ba ang "kung nangyari ba sa ibang oras at pagkakataon, mamahalin mo ako" scene? :(
Somewhere down the road...baka mangyari ang dapat mangyari.


Big Yellow Taxi

You dont know what you got til' its gone. Pano kapag wala nang habol. May nagsabi sayo na mahal ka niya, pero dahil may boyfriend ka (kahit na nagkakalabuan) ay pinili mong lumayo sa taong yun. Pano kung sandali pa lamang kayong nagkakilala ay naging makulay na ang istorya niyong dalawa? Pano kung nararamdaman mong napakatama niyo para sa isat isa, pero nangyari ang lahat sa maling panahon...Pano kung sa paglayo mo, hindi mo na siya masumpungan kahit kelan. Namamatay ang tao, nagsasawa ang sikap, at nalalanta ang pag ibig. Idealistic ka? Bitawan mo yan... Walang take 2 ang mundo. Dont meddle with the what ifs. live you life, dont let life outlive you... You dont know what you got til' its gone.

Gusto mong pasayahin ang taong gusto mo? pano kung hindi siya ang gusto niyang magpasaya sa kanya..still looking a song for this.